YsanneCwrites
ETHEREAL LOVE BOOK 3
---
Lumipat ng bagong eskwelahan si Brigida Ynes Bianchini, umaasang makatakas sa kanyang nakaraan-mula sa bestfriend niyang kinasusuklaman siya dahil inibig niya ito ng palihim. Subalit muling nagulo ang kanyang buhay nang makilala niya si Clyne Moretti, ang misteryoso at nakakainis na class president. Hinahabol ito ng mga lalaking nakaitim, at pinipilit ipakasal sa isang taong hindi nito gusto.
Hindi niya sinadyang masangkot sa buhay ni Clyne, ngunit isang araw, hinalikan niya ito sa harap ng kanyang ex-bestfriend, at nauwi ito sa kasunduan na magpanggap silang magkasintahan.
Habang tumatagal ang kanilang pagpapanggap, lumalalim din ang kanyang nararamdaman, ngunit takot siyang magmahal muli. Nasaktan na siya ng pag-ibig noon, at nang isang hindi pagkakaintindihan ang nagbanta sa kanilang samahan, napagtanto ni Brigida na nasa isang sangandaan siya: pipiliin ba niyang ipaglaban si Clyne, o tuluyan na siyang magpaparaya?