kaisenshitsuofficial
Sila ang mga naka-varsity jacket na pula't puti-mga kilalang siga ng Romance 102. Sina Eliandro Cruz, Jace Villanueva, Noah Reyes, at Tyler Domingo-mga lalaking may tapang, tikas, at reputasyon. Kasama nila sina Celeste Navarro, Rina Mendoza, Isabelle Tan, Mira Santos, Kyla Ramirez, Trixie Dela Cruz, at Lana Gutierrez-mga babaeng matatalim ang dila, matatalas ang mata, at hindi basta-basta nagpapatalo.
Pero ngayong taon, may bagong target sila: ang mga estudyante ng Romance 101. Mga bagong salta, pero mabilis umangat. Unti-unting kinukuha ang spotlight, at binabago ang takbo ng eskwela.
Hindi puwedeng palampasin. Hindi puwedeng maagawan ng trono.
Pero habang umiinit ang tensyon, unti-unting lumalabo ang hangganan ng pagkakaaway at... damdamin. May mga sikreto. May mga tanong. At may mga pusong hindi handang matalo.
Sa Romance 102, hindi lang puso ang nasusugatan-pride, pagkakaibigan, at pagkatao rin.