July0505's Reading List
6 stories
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 1] Revising by GiddyWrites
GiddyWrites
  • WpView
    Reads 40,610
  • WpVote
    Votes 2,604
  • WpPart
    Parts 52
Si Vincenzo Gaff, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling angkan. Ang noo'y namamanghang mga mata ng mga nakakapaligid sa kanya na mga tao ay ngayo'y may mapangmaliit at mapanghamak na mga tingin. Sa edad na siyam hanggang dalawamput-isa ay naging mature na ang kanyang isip. Maraming mga taong nangungutya sa kanya sa bawat paggalaw at kapag nakikita siya ng mga kaedaran niya o ng mga bata't matatanda, unti-unti na siyang inagawan ng kanyang kabataan. Minsa'y napanghihinaan na siya ng loob dahil dito. Wala siyang naging kasalanan kung bakit nangyari ang mga anomalya sa kanyang dantian na kahit siya'y hindi na nagkaroon pa na ipagpapatuloy pa ang kanyang Cultivation. Makikita natin ang ating bidang handang ibuwis ang lahat maging ang kanyang sarili na magpapalungkot, magpapasaya, magpapamangha at magpapaiyak sa atin sa mga pang- OUT OF THIS WORLD na kaganapang magpapaintindi sayong walang hangganan ang buong mundong ito. Dito niyo masasaksihan na walang imposible sa taong nagpupursigi upang tamuhin ang kalayaan at ipaintindi sa lahat na may kabutihan pa rin ang mundong ito, ang mundong sisira o magpapalakas sayo. May pag-asa pa kayang mabago ang kapalaran niya o mananatili lamang na patapon ang buhay niya o mabibilanggo ba ang kanyang sarili habang buhay sa kadiliman? Makakamit ba ni Vincenzo Gaff ang pinakarurok ng Martial Arts o Mamamatay siya sa kalagitnaan pa lamang ng kanyang paglalakbay? Halina't samahan natin si Vincenzo Gaff sa pagtuklas ng kanyang totoong pagkatao at paglaban nito sa napakadelikadong situwasyon upang ipaglaban ang alam niya'y tama.
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5] by GiddyWrites
GiddyWrites
  • WpView
    Reads 6,634
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 1
Lots of things happen in the adventure of a 16-year old Vincenzo Gaff. He is now inside of Tombstone Battlefield wherein he stumbles upon different kinds of creatures that bring suprises and terrors to Vincenzo Gaff. Upon discovering what kind of hidden world and how mysterious the said Tombstone Battlefield is. This brings his insights about how vast the world is and how powerful creatures are roaming around this wide areas to be considered a restricted areas for a weak ones. Also, this brings an eye-opener to Vincenzo Gaff and how weak he was now compared to any of this powerful beings that may devoured him anytime if he is not careful enough or even protect himself from danger. Vincenzo Gaff ventures the inner part of Tombstone Battlefield wherein he encounter some mystical and ancient beasts lurking in the darker part of this forbidden land. Along with the runaway princess named Princess Nova Celestine and it's personal protector Mr. Rain who drag in this unfortunate event, can they escape the dangerous encounters with mystical beings?! Along the way, each one of them are in drag in Tombstone Battlefield separately. Princess Nova Celestine get in touch with the Green Poison Tribe which considers one of the great poison maker and their vicious motives to capture and lure her. Mr. Rain was in a depth of horrible situations but luckily survive along the way while Vincenzo Gaff can be considered most lucky but mostly unlucky because of some instances. For a 16-year old boy, he face a great tremors to escape this land but unaware that he could encounter the powerful beast couples form the One-horned White Tiger Python Race which is one of the great allies of the former Stardust Envoy Silent Walker.
Lord Of The Dead Beasts [Volume 3: Hero of the Dreadland] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 194,412
  • WpVote
    Votes 16,084
  • WpPart
    Parts 53
Upang talunin ang Sect Master ng Arial Sword Sect - ang tanging susi sa pagtunton sa taong nagbigay ng Lavender Cursed Stone kay Jedan - kailangang makamit ni Grim ang imposible: ang pagkadalubhasa sa pag-eespada. At alam niyang iisang tao lang ang makakatulong sa kaniya - si Mival Wilxes - ang kaniyang unang guro na siyang nagligtas sa kaniya sa pagkaalipin, at ang taong nagturo sa kaniya kung paano mangarap nang mataas. Ngunit nawawala ito. Huli itong namataan sa Dreadland - isang sagradong lupain na tinitirhan ng mga Buddharmas, mga nilalang na kinamumuhian ang sangkatauhan. Gayunman, tila ipinahihiwatig ng mundo na hindi pa siya handa - kailangan pa niyang maghintay at magpalakas. Ngunit paano siya maghihintay kung ang bawat segundo ay mahalaga? At kung impyerno ang kailangan niyang pasukin upang iligtas ang buhay ng isa sa iilang taong naniwala sa kaniya- Sisiguruhin niyang ang impyerno mismo ang luluhod sa harapan niya. ©Book Cover Illustration by my self
I Cultivated as the Devil: Vol. 5 Magistral Temple [COMPLETED] by grimmreaper18
grimmreaper18
  • WpView
    Reads 9,762
  • WpVote
    Votes 594
  • WpPart
    Parts 48
Nang maging Dark Warden si Emrys, isang bagay lang ang ninanais niyang makamit: at iyon ay ang makalabas sa Dark Dimension kasama ang hindi mabilang na mga demonyong ngayon ay sumasamba na sa kanya. Sa pag-aalalang hindi ma-protektahan ang mag-ina mula sa lagim na dala ng labindalawang diyos, muling isinakripisyo ni Emrys ang malaking parte ng kapangyarihan niya. Muling nagkasundo sa mga demonyo na tulungan siyang makalabas, hindi bilang buong siya kundi kalahati lamang ng kanyang kamalayan at kapangyarihan sa loob ng isang binata. Subalit sa hindi niya malamang dahilan, ay nagtatanim pala ng galit sa kanya ang anak niya. Kaya't upang hindi siya mapalayo rito at maayos niya itong ma-protektahan, itinago niya ang tunay na pangalan at ipinakilala ang sarili bilang isang kaibigan. At sa imbento niyang pangalan, sinamahan niya ang kanyang anak sa Magistral Temple upang doon maayos na makapag-aral maging adventurer. Habang ang puwersa ng labindalawang diyos... ...ay dahan-dahan na ring gumagapang papalapit. __
Si Frisco at ang Kaniyang Paraiso (Volume 3) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 171,800
  • WpVote
    Votes 22,655
  • WpPart
    Parts 87
Synopsis Sa mundong pinaghaharian ng mga maharlika, makapangyarihang organisasyon, at indibidwal na handang gamitin ang sinuman para sa sariling kapakinabangan, pinili ni Frisco na umiwas. Bagaman taglay niya ang potensyal, batid niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang makipagsabayan. Ayaw niyang magpaalipin, ayaw niyang magpagamit-kaya't pinili niyang pumasok sa Institusyon ng Nozque, isang kilalang paaralang naghuhubog sa mga may angking kakayahan. Ngunit ang kaniyang desisyon ay simula pa lamang ng mas malaking pakikibaka. Sa loob ng institusyon, makikilala niya ang mga taong magpapalawak sa kaniyang pananaw-kaibigan, kakompetensya, at mga lihim na konektado sa sikretong nais niyang matuklasan. Sa harap ng mga hamon, panlilinlang, at tukso ng kapangyarihan, kakayanin kaya ni Frisco na manatiling tapat sa kaniyang layunin? O sa huli, susukuan niya ba ang kalaayan para sa kapangyarihan? --
Supremacy (Part 1) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 240,371
  • WpVote
    Votes 31,121
  • WpPart
    Parts 88
Synopsis Mahigit isang daang taon na ang lumipas mula nang ilayo ni Finn ang kaniyang sarili sa makamundong mga bagay. Itinuon niya na ang halos lahat ng kaniyang atensyon sa paglikha at pag-eeksperimento para sa kaunlaran. Sa kabila ng kaniyang pagkawala, nanatili pa rin ang kaayusan sa buong sanlibutan dahil sa tulong ng New Order. Ganoon man, isang pangyayari ang muling naglagay sa kanilang mundo sa matinding peligro. Kailangan muli ng mga adventurer si Finn. Nangako siyang poprotektahan niya ang mundo mula sa pagkawasak, pero, kakayanin niya bang isalba ang sanlibutan sa ikalawang pagkakataon? O tuluyan na siyang magagapi ng mga bagong kalaban? -- NOTE: Upang hindi po kayo malito, irerekomenda ko po muna na basahin ninyo ang Legend of Divine God sapagkat ito ay ang sequel ng kuwentong iyon. Salamat!