reading now
5 stories
The Substitute Groom - Noelle Arroyo by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,663
  • WpVote
    Votes 128
  • WpPart
    Parts 11
Isang linggo bago maikasal si Jeanne kay Pons-na best friend niya at siya ring lalaking ipinagkasundo sa kanya-ay namatay ito dahil sa isang aksidente. Hindi pa siya nakakabawi ay nalaman niyang ang half brother nitong si Bastian ang papalit dito sa kasal. Nataranta siya. Lalaking-lalaki si Bastian, samantalang ang kanyang namatay na best friend ay isang closet queen. Paano siya tatakas kung ang kapalit niyon ay dangal ng kanyang mga magulang? Pero maayos naman palang kausap si Bastian. Strictly platonic lang ang magiging relasyon nila. Besides, may annulment. Kapag nakaraos sila sa kasalan, makakaraos din sila sa hiwalayan. Ang problema, hindi napigilan ni Jeanne na ma-in love kay Bastian hindi pa man sila naikakasal. At kung kailan damang-dama na nila ang pag-ibig sa isa't isa, saka naman natuklasang hindi talaga patay si Pons...
My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999) by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 131,986
  • WpVote
    Votes 2,489
  • WpPart
    Parts 23
Nakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksena ang pinsan ni Rico, si Mitch Salvatierra, a farmer. Namumula ang balat sa pagtatrabaho sa arawan. Tall and attractive. And she was enchanted for the first time in her life. Tila may magic sa simpleng pakikipagkamay niya rito. Yet she was alarmed. Naguguluhan sa estrangherong damdaming pinukaw ng estrangherong lalaki. ©Martha Cecilia
The Tanangco Boys Series 10: Leonard Apilado by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 125,859
  • WpVote
    Votes 2,200
  • WpPart
    Parts 12
Sa pagbabalik ni Cassy ng Pilipinas ay hindi niya inaasahang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At sa mga sandaling kaharap at kausap niya ito, muling nabuhay ang pag-ibig niya rito na inakala niyang matagal nang naglaho sa puso niya. Ang nakakalungkot lang ay tila sarado na ang puso nito. Ibang-iba na rin ito sa dating Leo na kilala at hinangaan niya. Wala na ang mga ngiti nito, sa halip ay lagi itong seryoso. Nalaman niyang nakakulong pa rin pala ito sa isang pangyayari sa nakaraan na nagpatigas sa dating mapagmahal na puso nito. Ngunit ipinangako ni Cassy sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating Leo. Gagawin niya ang lahat, maiahon lamang niya ito sa madilim nitong nakaraan. Kahit pa masaktan siya nang ilanga beses at kahit alam niya kung gaan ito kahirap mahalin.
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1) by tyraphr
tyraphr
  • WpView
    Reads 165,533
  • WpVote
    Votes 4,142
  • WpPart
    Parts 14
Labag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya makukuha ang pera sa trust fund niya kapag hindi siya agad bumalik ng Pilipinas. Kailangan pa naman niya ang pera na 'yon para sa matagal na niyang pinaplano na pagtatayo ng sarili niyang business. Kaya naman sa bandang huli ay wala na rin siyang nagawa kundi umuwi. And imagine her surprise nang sa pagbabalik niya ay bigla na lang ibinigay ng Lolo niya sa kanya ang pamamahala ng football club na itinayo nito. Telling her na kung hindi niya pamamahalaan 'yon ay hindi na niya makukuha ang pera sa trust fund niya. What choice does she have? So she reluctantly agreed kahit pa nga wala naman siyang kaalam-alam sa naturang laro. Okay na sana ang lahat. That was until she met the the club's coach, Devlin Mendoza. Ito na yata ang pinakanakakainis na lalaking nakilala niya. Una pa lang nilang pagkikita ay tahasan na agad nitong ipinakita ang pagkadisgusto sa kanya. He immediately labeled her as a dumb blond na ang kaya lang gawin ay gumasta ng pera. Dapat ay magalit siya dito, pero habang tumatagal at mas nakikilala niya ito, natagpuan na lamang niya ang sarili na lagi itong sinusundan-sundan ng tingin. Although he's the most annoying and most insufferable man she had met, she still found herself unexplicably falling for him. Pero hindi pa man niya nasasabi ang nararamdaman dito ay saka naman biglang nanganib ang buhay niya.
PLEASE BE MINE...AGAIN (Completed/Editing) by LharaBarnig
LharaBarnig
  • WpView
    Reads 1,003,087
  • WpVote
    Votes 16,507
  • WpPart
    Parts 39
[WARNING: RATED SPG. THERE ARE SCENES THAT ARE NOT SUITABLE FOR MINORS AND READERS WHO HAVE SENSITIVE MINDS. READ AT YOUR OWN RISK.] Lorabelle loves Steven so much, but she had to sell at a loss and leave him just to follow her dreams. Ngunit kasabay ng kanyang paglayo ay naging baon niya ang isang alaala. Alaala na siyang laging bumubuhay sa pag-ibig na tanging kay Steven lamang niya naramdaman. Their paths collided again after six years. But she can now perceive a different spark in his eyes, a spark bursting with hatred and rage...intended for her. And a spark of vengeance for the wound that she once carved in his heart. At hindi pala tadhana ang gumawa ng paraan upang muli silang magkatagpo kundi ang lalaki rin mismo. And she knew what he wanted to do. He wanted to hurt her, too. Just like how she hurt him before. If only he knew that she had never stopped loving him despite what she did.