kapewrite
[ONGOING]
Hindi siya malas sa pamilya,
napunta lang siya sa mga pusong hindi marunong kumalinga.
Isang nagluluksa na si Eugene, na tila isinumpang magkaroon ng sirang pamilya, ay napilitang harapin ang lahat matapos pumanaw ang kanyang lola-ang tanging taong kinilala niya bilang kanyang Mama at pamilya.
Sa kanyang pag-iisa, pasan niya ang mabibigat na problema sa kanyang ama, na lalo pang pinalala ng pakikialam ng ilang kamag-anak, habang patuloy siyang nilulunod ng krisis sa pera at mga utang na tila minana niya nang hindi niya hinihingi.
Dahil dito, tuluyan niyang isinara ang sarili sa pag-ibig...sa paniniwalang ito ang ugat ng kanyang paghihirap. Hanggang sa dumating siya: ang misteryosang babaeng bigla na lamang sumulpot sa kanyang buhay at dahan-dahang pinatunayan na ang pag-ibig pala ang matagal na niyang kailangan at hinahanap-hanap sa buong buhay niya. Ngunit maniniwala nga ba siya rito-sa damdaming muling tumitibok-o mas mangingibabaw ang sumpang humubog sa kanyang isipan?
Story Started: June 19, 2026
Story Ended: ...