lightlygel
Si Conrad ay naniniwala na siya lang ang nag-iisang lalaki sa mundo na biniyayaan ng Panginoon pagdating sa pag-ibig. Mula kasi nang masilayan niya ang diwatang may dahon sa ulo ay itinaga na niya sa bato na maikasal sa mismong babae.
Si Angel naman ay matagal ng tinanggap ang mapait na reyalidad--na hindi totoo ang pag-ibig, at wala ng lalaki na mapagkakatiwalaan pa. Kaya ganoon na lang ang pagkayanig ng kanyang mundo nang may lalaking bigla na lamang sumulpot sa buhay niya nang walang paalam--ngumingiti ang mga mata at tila asong sabik kapag siya'y natatanaw.
May pag-asa ba ang love story na pinagdadarasal ng binata? Matutunaw ba niya ang yelong bumalot sa puso ni Angel? O mauunahan pa siyang takasan ng babaeng takot sa konsepto ng pag-ibig?
Started: 06/08/2025
Ended: xx/xx/xxxx