melancholianluv
Sa gitna ng kanyang kasikatan, manganganib ang career ni Cedrick matapos kumalat ang litrato niya kasama ang isang babae. At sa base sa anggulo ng litrato, tangkang maghahalikan sila neto.
Dahil dito nakatanggap ng sunod-sunod na bashing at negative comments ang aktor mula sa kanyang mga fans. At ang tanging paraan lamang para malutasan ito ay mahanap ang taong responsable sa pagpapakalat ng fake news na ito.
Kung sino mang may pakana nito, walang duda na may galit ito sa kanya at hindi lang basta galit kundi matinding pagkamuhi.
Sino kaya ang nagpakalat ng litrato? Maisasalba kaya ni Cedrick muli ang kanyang career o mas lalo lang gugulo ang lahat pagtapos nyang makilala ang nagkalat ng kanyang litrato?