Isonafiara
- Reads 1,364
- Votes 340
- Parts 40
Lumaki si Seolana Reed sa piling ng kanyang Tito Randy matapos maagaw ng isang trahedya ang kanyang mga magulang sa murang edad dahil sa isang car accident. Ngunit hindi lang ang pagkawala ng mga magulang niya ang iniwan ng sugat sa kanyang buhay-nagkaroon din siya ng memory gaps, kung saan unti-unting nawawala at nabubura ang ilang bahagi ng kanyang mga alaala.
Sa kabila ng lahat, pinili pa rin ni Seolana na ngumiti. Nabuo ang mundo niya sa simpleng buhay kasama ang kanyang mapagmahal na tito Randy at ang matalik niyang kaibigang si Ella. Akala niya sapat na iyon para manatiling tahimik at masaya ang buhay niya.
Pero isang gabing puno ng apoy at kaguluhan ang tuluyang nagbago ng lahat.
Matapos ang isang fire accident, napadpad siya sa bahay ng mayor-isang lugar na hindi niya inaasahang magiging simula ng mga lihim na matagal nang nakatago. Doon niya muling nakilala si Euhan Ace Lancaster, ang anak ng mayor.
Isang lalaking tila estranghero sa paningin niya.
Pero paano kung hindi pala siya isang simpleng estranghero?
Paano kung ang lalaking iyon ay matagal nang bahagi ng buhay niya-ang childhood friend na minsan niyang pinangakuang hindi niya kailanman kakalimutan?
Sa mundong unti-unting binubura ng alaala, kaya pa kayang maalala ng puso ang taong matagal nang hinahanap nito?