NNDwrites
Hindi lahat ng batang inampon ay sanggol.
May mga katulad ko- labing-anim na taong gulang, buo na ang alaala, malinaw ang isip, at sanay nang mag-isa.
Akala ko noon, huli na ang lahat. Na kapag umabot ka na sa edad na marunong ka nang umintindi ng sakit at pag-iisa, wala nang pamilyang handang tumanggap sa'yo. Pero nagkamali ako.
Tinanggap nila ako- isang pamilyang perpekto sa paningin ng mundo. Maayos, buo, at may reputasyong dapat ingatan. Sa ilalim ng bubong na iyon, natagpuan ko ang salitang tahanan... at ang taong hindi ko kailanman inasahang magiging dahilan ng pinakamalalim kong kasalanan.
Si Esteban.
Sa papel, kapatid ko siya.
Sa mata ng iba, bawal.
At sa konsensya naming dalawa, mali.
Hindi kami magkadugo- alam naming pareho iyon. Ngunit hindi sapat ang katotohanang iyon upang burahin ang hangganang itinakda ng mundo. Hindi rin namin sinadyang umibig. Dumating lang ito-tahimik, dahan-dahan, hanggang sa hindi na namin alam kung kailan kami nahulog.
At sa kabila ng lahat, sa kaniya ko lamang naranasan ang pag-ibig na hindi ko kailanman natagpuan sa iba- isang pag-ibig na masarap, totoo, at mapanganib.
Ito ang kuwento ng isang pag-ibig na hindi dapat umiral...
pero hindi rin kailanman ipinagbawal.