Dystopian Works
2 stories
Ama Namin: Huling Dasal by Acethethyc
Acethethyc
  • WpView
    Reads 18
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 10
Ang bayan ng Santa Esperanza sa kabuoan ng Maynila ay hindi kasing normal na bayan na naiisip ng karamihan. Talamak ang matinding paggamit ng ilegal na droga. Buwan at taon ang lumilipas ay paulit-ulit ang pagkamatay ng mga gumagamit ng droga sa hindi malamang misteryo. Ngunit ang mga tao ng Santa Esperanza ay pakiwari mo'y hati ang pananaw. Ang iba'y nauunawaang para ito sa kanilang kaligtasan pero para sa ibang tulad ni Gabriel ay mahirap palakpakan ang isang taong kumikitil ng buhay para sa kaligtasan ng marami. Si Gabriel ay isang paring bagong talaga sa Katedral ng Nuestra Señora de la Esperanza ay nasasihan na niya agad ang karumal-dumal na pagkamatay ng isang lalaking pinaghihinalaang nanlalaban at gumagamit ng ilegal na droga. Sa paglipas ng mga araw ay mas lalong lumiliit ang mundong ginagalawan ni Gabriel na kahit ang simpleng dasal at misa para sa mga biktima ng karahasang ito ay animo'y rebelyon sa karamihan.
Carnival (Karnibal) by Acethethyc
Acethethyc
  • WpView
    Reads 1
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Sa loob ng karnibal, may trabaho. May pagkain. May aliw. At may presyo ang paglabas. Sa pagpasok ni Elias, akala niya’y pansamantala lamang ang pananatili—hanggang sa matuklasan niyang ang bawat araw ay may katumbas na bayad, at ang bawat pangarap ay kailangang pagtrabahuhan. Habang lumilipas ang mga linggo, unti-unting nagbabago ang mundo sa paligid niya: ang saya ay nagiging obligasyon, ang pahinga ay nagiging gantimpala, at ang kalayaan ay nagiging alaala. Sa lugar na ang lahat ay maaaring bilhin, gaano kahalaga ang makaalis—kung nakalimutan mo na kung bakit ka dapat umalis?