Happyish
Note: This story is mature, fictional, sensitive, and meant to be read with care
Insecurities, being left out, pagiging glass child, at palaging nabubully-iyan ang mga problemang kinakaharap ni Naomi Claire De Leon, isang matalinong high school student na may mataas na pangarap. Ngunit kahit gaano pa man siya magsikap at maging magaling sa pag-aaral, hindi pa rin iyon sapat para maramdaman niya ang pagmamahal mula sa pamilyang matagal na niyang hinahanap.
Lumaki siya sa isang pamilyang punô ng matatalino, kung saan palagi niyang nararamdaman na hindi siya sapat. Mula elementarya, palaging top 2 lamang ang kaniyang nakukuha-isang bagay na naging dahilan upang siya'y maliitin, ikahiya, at tawaging walang mararating sa buhay.
Noong first year, may mga kaibigan siya, ngunit kalaunan ay napalipat din ang karamihan sa ibang paaralan. Sa second year, nakilala niya si Levi Matthew Nevarez, Isang tao na hindi lang kaibigan.. kundi unti-unting nahulog ang loob niya rito ngunit hindi niya ito kayang ipagtapat. Kasama rin nila si Cyrelle Montebello, ang tahimik ngunit maaasahan sa grupo. Sa kabila ng pagkakaiba-iba nila, naging sandigan nila ang isa't isa hanggang sa pagtatapos ng junior high school.
Ngunit matapos ang graduation, nagkahiwa-hiwalay sila-at nananatiling tanong kung muling magtatagpo ang kanilang mga landas.
If fate allows Naomi Claire De Leon to cross paths once more with Levi Matthew Nevarez, will she finally find the courage to confess the feelings she has silently carried since their high school days-and will Levi feel the same, or has she been chasing the wrong one all along?