AMPSP Series! 💕
2 stories
AMPSP #2 - Ang Ating Pangalawang Kabanata. by nobelanianna
nobelanianna
  • WpView
    Reads 11
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 1
Si Althea ay muling nagbabalik matapos ang limang taong paglayo-dala ang pusong matagal na naghintay sa kaniyang pinakamamahal na pinsan na minsan niyang minahal nang higit pa sa dapat. Ngunit ang mga salitang nasabi noon, sadya man o hindi, ang nagtulak sa kaniya palayo upang hindi na muling masaktan. Ngayon, haharapin niya ang mga alaala at damdaming iniwasan niya sa loob ng mahabang panahon. Sa muling pagkikita nila, mabubuksan ang mga tanong at sugat na matagal nang hindi napag-uusapan. Tatakbuhan niya ba muli ang kaniyang nararamdaman, o sa wakas ay may taong tutulong sa kaniya na harapin at paghilumin ang lahat?
AMPSP #1 - Ang Mga Pader Sa Pagitan (COMPLETED) by nobelanianna
nobelanianna
  • WpView
    Reads 484
  • WpVote
    Votes 376
  • WpPart
    Parts 20
Walong taong gulang pa lamang si Althea nang unang tumibok ang puso niya para kay Severin-ang pinsang hindi niya kadugo, ngunit palaging nariyan. Tahimik. Malamig. Isang misteryong mahirap basahin. Siya ang naging lihim na ligaya ni Althea... at kalaunan, ang pinakamasakit na sugat. Habang lumilipas ang mga taon, mas lumalalim ang damdaming hindi dapat pinanghahawakan. May mga pader na hindi kayang gibain ng pagmamahal, at may mga damdaming kailangang palampasin kahit gaano pa kasakit. Isang kwento ng unang pag-ibig, mga hangganang bawal lampasan, at pagpiling pakawalan ang taong pinakamahal mo.