yourstorywithbri
Si Atasha Dela Cruz ay isang rich and fancy girl na kilala bilang tahimik at nonchalant na transfer student sa M University, isang prestigious at sosyal na school. Marami ang humahanga sa kanya-sa ganda, sa talino, at sa pagiging classy niya-pero walang nakakaalam ng totoong pinagdadaanan niya.
May lihim si Atasha.
Na-diagnose siya ng cancer noong walong taong gulang pa lang siya.
Simula noon, unti-unti siyang naging tahimik-hindi dahil hindi siya marunong magsalita, kundi dahil mas pinili niyang itago ang sakit at takot niya sa likod ng katahimikan.
Hanggang sa dumating si Geo Villanueva sa buhay niya.
Si Geo ay isang rich, talented singer at songwriter, at miyembro ng sikat na boy band na GStreet. Popular siya sa school, gwapo, at may bright future sa music industry. Pero sa likod ng kasikatan niya, isa siyang lalaking sobrang maingat-lalo na sa mga babae. Ayaw niyang may masyadong lumalapit sa kanya, at hindi siya basta nagtitiwala kahit kanino. Maging sa simpleng bagay tulad ng pag-inom, hindi niya hinahayaan na may ibang humigop sa baso niya-kahit kaibigan pa.
Pero nagbago ang lahat...
Nang muli niyang makilala si Atasha.
Magkasama na pala sila noon sa senior high school-parehong tahimik sa sariling mundo, parehong may tinatagong kwento. At ngayon, muli silang pinagtagpo ng tadhana sa iisang paaralan.
Isang babaeng sanay manahimik kahit nasasaktan.
Isang lalaking sanay umiwas kahit may nararamdaman na.
Unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa...
pero pareho nilang piniling itago ang tunay na nararamdaman.
Dahil minsan, mas madaling manahimik
kaysa aminin ang pagmamahal-
lalo na kung alam mong maaaring hanggang
"See you next time" lang ang kaya mong ipangako.