sammilynreverie
Sa edad na dalawampu't walo, nasa kamay na ni Andrea Vale Serrano ang lahat ng bagay na minsan niyang pinangarap. May maayos siyang trabaho, mataas na sahod, sariling bahay, at kotse. Sa paningin ng iba, siya ang mismong depinisyon ng tagumpay. Ngunit sa kabila ng mga tagumpay na ito, pakiramdam niya ay unti-unting nawawala ang kanyang sarili. Nang dumating siya sa puntong hindi na niya makilala ang sarili, iniwan niya ang Maynila at bumalik sa Kabankalan, ang bayang sinilangan ng kanyang yumaong ina sa Negros Occidental, umaasang matagpuan doon ang kapayapaang minsang nakita niya sa kanyang ina ngunit hindi niya kailanman natagpuan para sa sarili.
Doon niya nakilala si Noah Eli Bennett, isang photographer na nakakakita ng kagandahan sa mga simpleng bagay na madalas hindi napapansin ng iba. Habang mas nakikilala niya si Noah, unti-unti ring nabubuksan ang mga tanong na matagal na niyang iniiwasang sagutin.
"Paano kung mali ang direksiyong matagal na niyang tinatahak?"
"Paano kung hindi pala tagumpay ang tunay niyang hinahanap?"
"Paano kung ang matagal na niyang inaasam ay hindi naman talaga nawala, kundi itinago lang niya upang makamit ang tagumpay na akala niyang kailangan niya?"
Because sometimes, the life worth keeping isn't the one that looks successful. It's the one you no longer need to escape from.