Historical Fiction
11 histórias
His Promises Since 1896 (To be published under PaperInk Publishing House) de CRISHER_14
CRISHER_14
  • WpView
    Leituras 7,878
  • WpVote
    Votos 329
  • WpPart
    Capítulos 44
FANTASY COLLABORATION SERIES Under PaperInk Publishing House Isang lalaking katipunero ang nagngangalang Agripino ang mapupunta sa hinaharap mula sa nakaraan upang tuparin ang kaniyang ipinangako sa kaniyang babaeng pinaka minamahal na si Florencia sa katauhan ni Janella. Ngunit habang sila ay masaya sa hinaharap babalik ang mga ala-ala nito at sisikapin na makabalik sa nakaraan upang iligtas ang inang bayan. Isang lalaki naman ang muling darating sa buhay ni Janella, si Jaxon, ang pinaka mayaman at ang mayor sa kanilang lugar. Siya ang lalaking reincarnation ni Agripino. Muling babalik sa ala-ala ni Jaxon ang mga masasakit at kahindik hindik na pangyayari sa buhay noon ni Agripino sa kamay ng mga Espanyol, kaya't magkakaroon ito ng takot sa mga bagay-bagay. Matulungan kaya ni Janella si Jaxon na mapawi ang pait ng nakaraan ni Agripino na pilit na bumabalik sa panaginip at isipan ni Jaxon?
Susi Of Tirad Pass de GorgeousJam92
GorgeousJam92
  • WpView
    Leituras 13,212
  • WpVote
    Votos 427
  • WpPart
    Capítulos 37
"History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we're here, alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion," sabi pa ng kilalang artista. Kaya naman siniguro ni Nerissa Amanda ang mga totoong nangyari sa nakaraan. Samahan natin siyang bumalik at alamin ang mga nangyari sa nakaraan. Gayunpaman, hindi talaga dahil doon kung bakit siya bumalik sa nakaraan. She has the key to save the people. Babalik siya sa past para iligtas ang isang importanteng tao sa Pilipinas. Si Gregorio Del Pilar. Magagawa niya kaya itong iligtas? Samahan natin siyang tuklasin ang nakaraan at iligtas si Heneral Del Pilar. Alamin natin kung ano ang mangyayari sa kaniya at kung makakabalik pa kaya siya sa hinaharap at kung... Posible bang ma-in-love siya sa taong higit na mas matanda pa sa kaniya? Alamin natin kung magogoyo siya ni Goyo.
Segunda de UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Leituras 1,512,369
  • WpVote
    Votos 42,967
  • WpPart
    Capítulos 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) de IMTHEMOSTHATED
IMTHEMOSTHATED
  • WpView
    Leituras 1,982
  • WpVote
    Votos 61
  • WpPart
    Capítulos 20
Hindi siguro maniniwala ang kahit na sino kung sasabihin ni Alejandro Raldeuff na nagmula siya sa kasalukuyan at napunta sa nakaraan. Isang gwapo, walang modo, spoiled brat at playboy na lalaking pinarusahan ng tadhana ng dahil sa kaniyang pang-aabuso sa buhay. Isang araw, nagising na lamang siyang suot ang kasuotan ng mga makalumang tao at naging isang ganap na ordinaryong mamamayan sa taong 1896. Mula sa pagiging anak ng bilyonaryo, magiging anak na lamang siya ng isang maralita at magsasaka. Maraming misyon ang kaniyang kahaharapin kasabay ng iba't-ibang taong papasok sa kaniyang buhay katulad na lamang ng nag-iisang anak ng Gobernador-Heneral-si Virginia Del Fuego. Isang dalagang may busilak na pusong nagbago sa kaniyang pagkatao. Simula sa simpleng pagtingin hanggang sa magiging masalimuot na pagmamahalam, magagawa kaya nilang ipaglaban ang kanilang relasyon gayong ang lahat ng kwento ay may hangganan? "My sinisinta," aniya Alejandro habang haplos-haplos ang kaniyang pisngi. Sa likod ng tadhanang hindi umaayon sa kay Alejandro, hanggang saan sila hahamakin ng tadhana sa kanilang pag-iibigan?
Hiraya (Published by Flutter Fic) de UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Leituras 2,372,345
  • WpVote
    Votos 89,285
  • WpPart
    Capítulos 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
I Love You Since 1892 de UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Leituras 133,733,307
  • WpVote
    Votos 939
  • WpPart
    Capítulos 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Socorro de UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Leituras 1,977,046
  • WpVote
    Votos 85,648
  • WpPart
    Capítulos 28
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorro from pursuing her dreams and passion for writing. Despite living in the 19th century, she believes women can also do great things like men. Being the next daughter to be sent off to an arranged marriage like her older sisters, she's now determined to create her destiny and break every single custom of what a woman was taught to do. She earns money by writing love letters as a ghostwriter. Everything seems to work according to her plan until she meets a young nobleman who can catch her lies and make her feel the love she thought only exists in books. Book cover design by @mariya_alfonso Language: Filipino Date Started: October 31, 2021 Date Finished: June 18, 2022
Salamisim (Published by Flutter Fic) de UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Leituras 12,867,761
  • WpVote
    Votos 589,666
  • WpPart
    Capítulos 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Dear Binibini de Geminiyaa_
Geminiyaa_
  • WpView
    Leituras 113,503
  • WpVote
    Votos 4,135
  • WpPart
    Capítulos 62
Two souls. Two eras. One impossible connection. Isang conyo na playboy ay bigla na lang nagising bilang isang binibini sa taong 1896. Samantala, ang isang sarsuwelista mula 1896 ay natagpuan ang sarili sa katawan ng isang moderno't mapusok na lalaki sa 2025. Sa pamamagitan ng mahiwagang notebook na nag-uugnay sa kanila, nagsimula silang magtulungan upang mabuhay sa mundo't panahong hindi nila nakasanayan. Ngunit habang natututo silang umangkop, unti-unting umusbong ang damdamin sa pagitan nila. Isang pag-ibig na tila lumalampas sa hangganan ng oras. Makakayanan kaya nila ang hamon ng kanilang mga bagong buhay? Paano nila mapapanindigan ang pagmamahalan sa magkaibang panahon? At higit sa lahat, paano kaya sila makakabalik sa kanilang tunay na mga katawan bago pa mahuli ang lahat? ••••• ••••• This is not your typical time travel story. Brace yourself for a mind-bending journey.
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed) de EmsBaliw
EmsBaliw
  • WpView
    Leituras 42,200
  • WpVote
    Votos 2,101
  • WpPart
    Capítulos 42
Sina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay napag-utusang magcommunity service sa Luneta upang malinis ang lugar na iyon, pati na rin ang kani-kanilang mga pangalan. At sa hindi inaasahang pagkakataon, doon nila nakilala ang matandang kapangalan ng nasa monumento- si Lolo Jose. Marami siyang pinagsasasabi, katulad na lamang ng mga katagang "Hindi ito ang paraisong pinangarap niya".... "Pigilan ninyo ang pagpatay sa kanya". Sa isang iglap ay biglang nagbago ang paligid, hanggang sa kanilang napagtanto sa hindi na iyon ang panahon kung saan sila nag-eexist, sa halip, napadpad sila sa taong 1896-ang taon kung kailan hinatulan ng kamatayan ang kinikilala nating pambansang bayani ngayon, ang taon kung kailan dumanak ang dugo, umalingawngaw ang mga putok ng baril at boses ng mga inosenteng nangangailangan ng tulong. Ito rin kaya ang taon na mananaig ang pag-ibig kasabay sa ipinaglalabang kalayaan? Si Dr. Jose Rizal ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. Kinitil ang kanyang buhay sa harap ng sangkatauhan. Paano mo nga ba siya maililigtas, kapag binigyan ka rin ng pagkakataong makabalik sa nakaraan? Highest Rank #1 in Philippine History #1 in history Date Published: May 24, 2019 Date Finished: April 5, 2020