MissyForevah
For years, Jynlyn has been in love with Sivas, isang sikat na surfer sa Isla Violeta.
Palagi silang tampulan ng tukso tuwing dumadaan ang lalaki sa Lila Sands Hotel, kung saan siya nagtatrabaho. Meron, eh, hindi niya lang sigurado. Torpe lang ba ang lalaki o lalaki din ang gusto?
Kaya nang dumating ang purple hour, isang rare moment sa Isla na kapag humiling ay matutupad, gumawa si Jynlyn ng isang daring wish: maging lalaki, para siya na ang poporma kay Sivas at baka sa wakas mapansin na siya ni crush.
Pero paano kung paggising niya, hindi lang basta lalaki ang katawan niya... Kundi nasa katawan siya ni Ydan, ang best friend ni Sivas?
Magiging masaya ba siya, o totally lost, kung matuklasan niya kung sino talaga ang totoong gusto ni Sivas?