Annhajo
- Reads 1,037
- Votes 116
- Parts 11
Noon, akala ko'y sa mga pahina lamang ng mga libro umiiral ang tunay na pag-ibig. Isang kathang-isip ng manunulat at nabubuhay mismo sa kaniya imahinasyon. Nagbibigay inspirasyon upang takasan ang magulong realidad, at magbahagi ng malalim na damdamin sa kaniyang mambabasa sa pamamagitan ng makukulay na panitikan. Ngunit nagkamali ako dahil ang pag-ibig ay may katotohanan at hindi lamang ito umiiral sa libro.
Madalas, ang tunay na pag-ibig ay biglaan. Kadalasan, sa unang pagkakataon mo ito mararamdaman. Isang taong hindi mo naman lubos nakilala subalit biglaang damdamin ang hindi mo inaasahan na maramdaman sa kaniya dahil lang sa pagtama ng inyong mga mata. At ito ang tinatawag nilang "Love at first sight."
Isang karanasan nag-iwan ng malalim na impresyon sa ating mga puso, ngunit nagbibigay sa atin ng bagong pag-asa at aral sa buhay. Sa paglipas ng panahon, araw, oras, at buwan natutunan ko na ang pag-ibig ay hindi lamang limitado sa pahina ng mga libro, kundi isang makatotohanang damdamin na nagbibigay-buhay sa ating mga puso, at nagbibigay liwanag sa ating mga landas.
Ito ang aking kwento mula sa nakaraan hanggang matagpuan ko muli ang pag-ibig sa kasalukuyan.
Claire.
#ILoveYouUnderneathTheMoon