KnightOfLuna_12
- Reads 1,457
- Votes 213
- Parts 12
Simula elementary, magkasama na sina Julia at Kevin-magkatabi sa classroom, magkaaway pero hindi nagtatagal. Kilala si Kevin bilang ang "gay best friend" na mas maalaga pa kaysa sa nanay ni Julia, siya ang taga ayos ng buhok, taga pili ng lipstick, taga remind ng deadlines, at kasama mag review kahit hindi naman talaga nag rereview. Sa mata ng lahat, sila ang textbook definition ng platonic soulmates. Walang malisya. Walang komplikasyon. Routine na parang hindi kailanman magbabago.
Pero pagdating ng senior high, unti-unting nag-iiba ang timpla. Sa gitna ng kulitan, wedding booth jokes, at random late night talks, may mga sandaling biglang tumatahimik ang mundo sa pagitan nila. May mga tingin na mas tumatagal kaysa dapat. Mga biro na parang may halong totoo. At kahit pareho nilang pilit tinatawanan ang lahat, ramdam nila ang tension na hindi nila maipaliwanag.
Hanggang saan kayang dalhin ng pagkakaibigang sanay na sa "ganito lang tayo" kapag ang puso na ang nagsimulang magtanong ng "sigurado ka ba?"