JennylynManzanares's Reading List
3 stories
I Couldn't Ask For More by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 202,899
  • WpVote
    Votes 4,738
  • WpPart
    Parts 14
published under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi na lamang siyang dinadalaw ng isang lalaking walang mukha sa mga panaginip. Kaya nga naging mission niya ang paghahanap sa lalaking iyon na karapat-dapat daw niyang mahalin. "Hindi ako magbo-boyfriend hanggang hindi ko natatagpuan ang soul mate ko na sinasabi ng manghuhula," determinadong sabi niya sa bff niya. "Ano pa ang sinabi ng manghuhula na signs tungkol sa soul mate mo? Na kalbo siya? Iyon lang? Hindi ba kasama ang guwapo, macho at matalino? Baka-sakali namang pumuntos ako." Napatingin sila sa pinagmulan ng tinig. Holy Crow! Ang bully, pero macho-guwapito, na neighbor! Siguradong hindi na ito titigil sa pang-aasar sa kanya. "Ano ba talaga ang inaayawan mo sa akin? Kung magpapa-shave ba ako ng buhok ay papasa na ako sa panlasa mo?" Well... sa mga titig pa lamang ng binata ay nawawala na siya sa tamang huwisyo. Pero paano ba niya ipagkakatiwala ang puso dito, kung left and right ang syota nito? Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love "Huwag kang magpapadala sa emosyon, iyan ang magdudulot sa 'yo ng kapahamakan," tinig ng manghuhula. Alin nga ba ang mas malaking kalokohan... ang magpaniwala sa isang hula, o ang magmahal ng maling lalaki at maging kawawa?
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 437,674
  • WpVote
    Votes 7,633
  • WpPart
    Parts 30
Anim na taon na ang nakakaraan ay may isang bagay na nagawa si Elaine na labis na nakaapekto sa pamilya niya. Dahil doon, pakiramdam niya ay habambuhay na siyang kailangan may patunayan sa mga ito. She was on the right track. Guidance Counselor na siya ngayon sa isang exclusive school for girls. Pero muling magkrus ang landas nila ni Red Caringal - isang lalaking konektado sa nakaraan ni Elaine. Nagkita silang muli dahil anak pala ni Red sa pagkabinata ang isa sa mga estudyanteng suki sa opisina ni Elaine. Nagkalapit ang mga loob nila ni Red. At inaamin ni Elaine na hindi madaling labanan ang atraksyong nararamdaman niya para kay Red. Lalo na at maging si Red ay tila wala namang balak na labanan iyon. One thing led to another. They became lovers. Kaso, marami ang kumukontra. Sana kung against all odds ang drama nila. Dahil paano naman ipaglalaban ni Elaine ang isang lalaking hindi naman in love sa kanya?
Written In The Stars (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 994,249
  • WpVote
    Votes 12,865
  • WpPart
    Parts 15
Sa edad na dalawampu ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Margaux. May history pa naman ang pamilya nila na hirap nang magkaanak kapag nasa late twenties na. Kaya nagdesisyon siyang sumailalim sa artificial insemination noong nakatira pa siya sa New York. Nagbalik siya sa Pilipinas at doon ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Miro, ang kababata niya na wala nang ginawa noon kundi asarin siya. Pero napakalaki na ng ipinagbago nito at tila desidido itong bumawi sa kanya. Niligawan siya nito. Hindi narendahan ni Margaux ang puso niya at tuluyang nahulog ang loob niya kay Miro.