WhiteGelPen
- Reads 9,828
- Votes 651
- Parts 29
C O M P L E T E D
Life sucks really hard.
Iyon ang paulit-ulit na itinatak ni Sky sa isip niya nang malamang may sakit siya. Sinubukan niya pang ilihim ang sakit niya mula sa kanyang pamilya at ibang kaibigan para na rin sa ikatatahimik ng buhay niya. Crushed by her cruel fate, nahirapan si Sky na tanggapin ang kapalaran niya subalit kalaunan ay natutunan niya ring harapin ang katotohanan na mamamatay siya at kailangan niyang iwan ang mga mahal niya sa buhay.
Hanggang sa nakilala niya si Kliev, ang SSG President ng Vista Alegre University at ang taong palihim niyang hinahangaan. Sinubukan niyang balewalain ang nararamdaman sa binata pero hindi niya magawa. Mas lalo lamang tumindi hanggang sa hindi na niya mapigilan.
Doon napagtanto ni Sky na hindi na kamatayan ang kinakatakutan niya, kun'di ang iwanan ang mga mahal niya sa buhay nang hindi man lang nasusuklian ng pagmamahal ang sarili niya.
Magawa kaya ni Sky ang mga bagay na gusto niya? Paano niya haharapin ang bukas na nakaabang sa kanya kung saan kailangan niyang mamili sa dalawa:
Ang harapin ang masaklap na reyalidad at tanggapin ang kapalaran niya o mas piliin pa ring lumaban at hayaan ang tadhana na muling isulat ang panibagong yugto ng buhay kasama ang mga taong mahalaga sa kanya?