aziane_manunulat67
Sa murang edad, napilitan si Lucie na huminto sa pag-aaral nang magkasakit ang kanyang ina. Walang ibang pagpipilian, isinantabi niya ang kanyang mga pangarap upang magtrabaho at tustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Hanggang sa napadpad siya sa isang mansyon na hindi basta-basta pagmamay-ari ng isang lalaking kinatatakutan ng lahat.
Isang Don.
Tahimik, malamig, at mapanganib. Walang sinuman ang nagtatangkang lumapit sa kanya... pero si Lucie, bilang bagong katulong, walang choice kundi mapalapit sa mundo nito.
Sa una, trabaho lang ang lahat. Iwas tingin. Iwas gulo. Iwas damdamin.
Pero paano kung ang lalaking dapat niyang katakutan... ay siya ring unti-unting nagbibigay sa kanya ng proteksyon?
At paano kung ang pusong matagal nang sarado ng Don... ay sa kanya lang muling bumukas?
Sa mundong puno ng lihim, kapangyarihan, at dugo, ang pagmamahalan nila ay isang kasalanan.
Isang bawal.
Isang pag-ibig na pwedeng magpabagsak sa isang Don... at pwedeng sumira sa buhay ng isang simpleng babae.
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig... kung ang kapalit nito ay ang lahat?
-
> kindly follow my facebook page (aziane mnnt) also my INSTA (azikne.67) AND TIKTOK (aziane_manunulat67)