LetraSining
Si Zarielle "Zari" Luna ay ang reigning Chaos Queen ng social media. May 5 million followers, sandamakmak na brand endorsements, at talent sa pagpasok sa kung ano-anong gulo. Pero nang magsimulang maging "too real" ang mga death threats na natatanggap niya, kailangan niya ng proteksyon.
Enter Jace Vergel de Dios. Isang ex-military officer na kasing-tigas ng semento ang mukha at kasing-lamig ng ice water ang boses.
Ang misyon ni Jace? Mag-undercover bilang bagong Personal Assistant (PA) ni Zari.
Ang problema?
Akala ni Zari ay "clumsy and weak" na assistant si Jace kaya ginagawa niya itong taga-bitbit ng ring light at taga-video ng TikTok dances niya.
Allergic si Jace sa ingay, sa filter, at lalo na sa makulit na babaeng tulad ni Zari.
Isang pagkakamali lang, pwedeng mabuko ang tunay niyang pagkatao-o mas malala, mahulog siya sa babaeng dapat lang niyang bantayan.
In a world of filters and fake poses, can Jace protect the girl who exposes everything to the world? O mauuna pang mamatay si Jace sa konsumisyon bago siya tamaan ng bala?
"Rating: 1-Star. Masungit ang PA ko, pero bakit parang ayaw ko na siyang paalisin?"