caelumella
Akhira Flores, isang babae na bata pa lang ay inabanduna na ng mga magulang. Pinamigay siya nito sa mga El Fuego. Maayos ang pakikitungo sa kaniya ni Don Rafael El Fuego at ng tatalo nitong anak pero si Trapezoid, salot ang turing sa kaniya.
Wala naman siyang maling ginawa kaya hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit sa kaniya ni Trapezoid. Ginagawa niya ang lahat para lang maging maganda ang pakikitungo sa kaniya pero si Trapezoid na mismo ang gumagawa ng paraan para mas lalong kamuhian siya.
Hindi lahat ng bagay ay maitatago. Oo, pwede mo itong itago pero hindi habang buhay. May mga bagay na hindi natin matatakasan kahit ilang taon na ang nakaraan.