whsleaa's Reading List
2 stories
The White Vampire by shinchanAndnanako
shinchanAndnanako
  • WpView
    Reads 185
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 16
Si Carlos, isang bampirang nabubuhay nang 300 taon. Hindi siya nananakit ng tao; dugo lamang ng mga lobo at soro ang kanyang iniinom upang manatiling buhay at malakas. Dahil dito, nanatiling mabuti ang kanyang puso at taglay ang mga kakayahang higit sa ordinaryong tao. Nakasanayan niyang mamuhay nang mag-isa, hanggang sa makilala niya si Lizzy-isang simpleng babae na puno ng buhay. Sa unang pagkikita pa lang, nabasag ang katahimikan ng mundo ni Carlos. Isang pag-ibig sa pagitan ng imortal at mortal. Kaya kayang pagtagpuin ng tadhana ang dalawang mundong magkaiba?
The Timeless House by shinchanAndnanako
shinchanAndnanako
  • WpView
    Reads 326
  • WpVote
    Votes 35
  • WpPart
    Parts 12
*"Lora's a freelance journalist na lagi namang naghahanap ng mga kakaibang kwento sa mga malalayong probinsya. Mahilig siya mag-research ng mga local legends - para sa kanya, ang mga kwento ng mga matatanda ang nagkukwento ng tunay na istorya ng isang lugar. Isang araw, napadpad siya sa Bayan ng San Isidro - isang lugar na puro bukid at makakapal na kakahuyan. Dito niya narinig ang usapan tungkol sa isang magandang bahay na hindi makikita ng lahat - tanging ang mga pinili lang, yung may "stone of nature" sa dugo, ang makakakita at makakapasok doon. Bilang nagko-cover ng mystery at folklore stories, agad siyang nagpasya na hanapin ito. Habang naglalakad sa gitna ng kagubatan, biglang lumitaw ang bahay - mala-colonial ang hitsura, may mga kakaibang bulaklak, at may mainit na liwanag sa mga bintana. Nang pumasok siya, natuklasan niya ang lihim: ang bahay ay nagdudulot sa kanya sa panahon ng 1920s! Doon niya nakikita kung paano nabubuhay ang mga tao noon - paano sila nagtatanim, nagtutulungan, at ipinaglalaban ang kanilang lugar. Mas lalo siyang na-interesado nang makilala si Francisco - isang matapang at maunawain na binatang namamahala ng kanilang baryo. Galing siyang magtanim at kilala bilang taong handang ibigay ang lahat para sa kapwa. Naging close sila agad - tinuturuan niya si Lora ng mga gawi ng mga ninuno, habang ikinukwento naman ni Lora kay Francisco ang kasalukuyang buhay sa probinsya. Unti-unti silang nahuhulog sa isa't isa. Ngunit habang lumalim ang kanilang relasyon, natuklasan niya na ang bahay ay unti-unting nawawawala - at kailangan ng tagapag-alaga para hindi ito mawala nang tuluyan. Mukhang siya na nga ang pinili nito. Ngayon, kailangan niyang pumili: mananatili ba siya ngayon para ibahagi ang mga kwento ng nakaraan, o pipiliin niyang manatili sa panahon ni Francisco at alagaan ang bahay na nagbigay sa kanila ng pagkakataong magmahalan?"