barubalpublication
Niloko ka ng boyfriend mo. Nalaman mong third party sa lovestory n’yo ang bestfriend mo. Na-friend zone ka ng crush mo. Pinaasa ka ng nililigawan mo. `Yan tuloy, bitter ang peg mo. With matching teary eyes ka pa, wala naman silang pake!
Nakakaloka lang, `di ba? Sila masaya habang ikaw feeling mo ay end of the world na. Try mo kayang mag-move on `pag my time? Pero, paano ka makaka-move on kung wala namang nakikinig at nakaka-relate sa sitwasyon mo? P’wes, basahin mo `to!
Ito ang iba’t ibang mapait na kuwento ng pag-ibig at kung ano-ano pang payo na siguradong makakatulong sa `yo. Para hindi na BITTER ANG PEG mo!
©dolly_eyes23
Produced by Barubal Publication