Koko_Hoshin
- Reads 38,832
- Votes 1,949
- Parts 45
Anim na taon na ang nakararaan nang gumuho ang mundo ni Ethan. Isang araw matapos ang kanyang ikalabing-anim na kaarawan ay itinaboy siya palayo sa Hacienda De Lara. Pinalayas siya ng sarili niyang ina at ng stepbrother niyang si Kyle Lennox dahil sa isang kasuklam-suklam na kasalanang kailanman ay hindi niya ginawa. Pilit niyang binuo ang sarili at nagbagong-buhay sa Maynila, malayo sa mga taong humusga at nandiri sa kanya.
Ngayon, sa pag-aakalang nakatakas na siya sa nakaraan ay biglang nagbalik si Kyle Lennox De Lara---ang lalaking minsan na niyang minahal at siya ring tuluyang dumurog sa kanya. Dala ni Kyle ang isang balita---kailangan ni Ethan na bumalik sa hacienda dahil sa isang malagim na trahedyang sinapit ng kanyang ina.
Wala nang takas si Ethan. Ngunit pagtapak niya muli sa impyernong minsang naging tahanan niya ay isang mas malaking gulo ang naghihintay. Sa kabila ng malamig na pakikitungo at mapait na nakaraan ay iginigiit ni Kyle na kailangan nilang magpakasal.
Bakit nais siyang pakasalan ng lalaking alam niyang sukdulang namumuhi sa kanya? Isa ba itong panibagong parusa, o may mas malalim pang lihim na nagtatago sa likod ng mga pader ng Hacienda De Lara?
Date Started: April 2, 2026
Date Finished: May 9, 2026
Genre: Boy's Love | Drama
"NEW VERSION OF THE ARROGANT HACIENDERO"