Historical Fiction 𓂃🪶
1 story
Vivir De Nuevo by Mika_Zee
Mika_Zee
  • WpView
    Reads 563
  • WpVote
    Votes 19
  • WpPart
    Parts 15
Nagising si Alicia Kaye Cervantes sa sinaunang panahon. Mula sa modernong mundo, napunta siya sa panahon ng pananakop ng Espanyol sa bansang Pilipinas, kung saan naroon ang kakaibang sistema, tradisyon, at mahigpit na panuntunan. Sa isang mahiwagang pangyayari, nagkaroon siya ng pagkakataong mamuhay bilang isang babaeng nagngangalang Estrellita Leticia Hontiveros, na kamukhang-kamukha niya at nagmula sa pinakamayamang pamilya sa bayan ng San Aurelio. Isang marangyang buhay ang naghihintay sa kanya, ngunit may kasamang kasunduan at obligasyong hindi niya inaasahan: ang pagpapakasal kay Rafael Salazar, pamangkin ng gobernadorcillo at nagmula rin sa pinakama-impluwensiyang pamilya sa bayan. Sa paglalakbay na ito, susubukin ang kanyang kakayahan sa pag-unawa, sakripisyo, pagkakaibigan, at pag-ibig. Isang kwento ng pagbabago ng tadhana, sinaunang alaala, at mga lihim na bumabalot sa iba't ibang panahon. Sa pagkakapalit ng buhay at pagkabaliktad ng tadhana, ito ang magbibigay sa kanya ng bagong pag-asa at pagkakataong maranasan ang buhay ng iba. Paano niya mapapanatili ang sariling kalayaan, maprotektahan ang kanyang puso, at matuklasan ang tunay na kabuluhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi inaasahan? "Paulit-ulit na nangyayari sa atin ang isang bagay hanggang sa matutunan natin ang aral nito."