R-18 | COMPLETED
2 stories
The Nurse Psychopath (Book 1) by jose_nhickolas
jose_nhickolas
  • WpView
    Reads 1,298
  • WpVote
    Votes 182
  • WpPart
    Parts 47
Ang pinakamapanganib na halimaw ay hindi nagtatago sa dilim. Nakasuot ito ng puting uniporme at may hawak na scalpel. Si Julian Castellano ay hindi isang ordinaryong nurse. Sa likod ng kaniyang malinis na reputasyon ay ang utak ng isang psychopath at ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamalaking sindikato sa Asya. Pinili niyang maging isang nurse hindi para manggamot kundi para paglaruan ang mga kahinaan ng tao. Ngunit ang nakakabagot niyang laro ay tuluyang nagbago nang makilala niya si Gabriel Valdemor. Isang bilyonaryong kasing dumi at kasing panganib niya. Nang dalhin siya ni Gabriel sa eksklusibong Alta Veridia Medical City, ang simpleng pagpapabaliw sa mga doktor ay naging isang madugong paglilinis ng kapangyarihan. Sa ilalim ng isang alyansang nabuo sa kama at karahasan, uumpisahan ni Julian ang pagwasak sa Limang Haligi ng ospital. Sa mundong pinapatakbo ng mga sindikato at ng Sampung Angkan, tanging ang pinakawalang-awang halimaw ang mananatiling nakatayo.
+22 more
ELIAS by jose_nhickolas
jose_nhickolas
  • WpView
    Reads 10,254
  • WpVote
    Votes 463
  • WpPart
    Parts 41
Gabi-gabi sa likod ng bintana, pinapanood ni Elias ang matipunong katawan ng biyudong si Roman. Ang pag-ingit ng lumang poso ang musika sa maiinit niyang pantasya. Hindi niya alam, matagal na rin siyang binabantayan ng barako sa dilim. Nagsimula ang lahat sa isang mangkok ng ginataan. Ngayon, markado na ang leeg ni Elias. Pinili niyang makipagsabayan sa marahas na pag-angkin nito, at sa bawat kagat ay mas lalong lumalabas ang kaniyang kalandian. Pero mapanganib ang larong ito. Sa likod ng bawat halik ay isang halimaw, at sa bawat pag-angkin ay unti-unting mabubunyag ang mga hukay na walang laman at ang amoy ng dugong nakabaon sa ilalim ng San Roque. Iba ang lagkit ng init kapag si Roman na ang naglalagay ng marka. Mag-ingat sa bawat pagsilip sa lumang poso.