REMINISCINGINKS
𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 | sining ng pagtanggap
- Tulang Prosa at Sanaysay #4 |
Hindi lahat ng sugat ay naghihilom sa pamamagitan ng pag-aayos sa nakaraan, minsan ang tunay na lunas ay nagsisimula sa pagharap sa kasalukuyan.
Ang Sining ng Pagtanggap ay isang koleksyon ng mga personal na sanaysay, prosa, at pagninilay tungkol sa matapang na proseso ng pagkilala sa katotohanan, pagbitaw sa mga huwad na pag-asa, at ang muling pagbuo sa ating sarili.
Para ito sa mga pusong napagod nang umasa sa mga bagay na hindi na mababago, sa mga taong patuloy na nakikipaglaban sa mga alaala ng kahapon, at sa mga naghahanap ng lakas upang yakapin ang bagong reyalidad nang may kapayapaan. Isang paalala na ang pagtanggap ay hindi tanda ng pagkatalo o pagsuko minsan, ito ang pinakamataas na anyo ng tapang at respeto na maaari mong ibigay sa iyong kwento, at higit sa lahat, sa iyong sarili.
Dito, ating aalamin na sa likod ng bawat mapait na katotohanan, may bagong lakas at malayang paghinga na naghihintay para sa pusong natutong tumanggap, magpatawad, at tuluyang bumangon muli.
📖 | sining ng pagtanggap
status & length: completed | entries #1-15 |
medium: tagalog-english (taglish)