MarmaladeSidro
Sa mundo ni Severino Daniel, ang lahat ay dapat lohikal, tahimik, at planado. Siya ang taglamig na walang katapusan-malamig ang pakikitungo, matigas ang puso, at mailap sa kahit kanino. Pero sa loob ng maraming taon, may isang ingay na hindi siya magawang iwanan: si Saoirse Damarie.
Si Saoirse ang tagsibol na pilit sumisibol sa gitna ng yelo ni Seve. Siya ang childhood friend na walang kapaguran sa pangungulit, ang babaeng ang tanging misyon ay tunawin ang pader na itinayo ng lalaki. Ngunit kahit ang pinakamatingkad na araw ay napapagod din. Sa bawat "ayaw ko" at "ang kulit mo" ni Seve, unti-unting namamatay ang apoy sa puso ni Saoirse.
Hanggang sa dumating ang gabing pinakahihintay ng lahat-ang Prom Night.
Sa ilalim ng mga kumukutitap na ilaw at himig ng musika, ang babaeng dati ay nakabuntot lang sa kanya, ngayon ay may iba na ang kaisa sa sayaw. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Seve ang hindi pamilyar na kurot sa kanyang dibdib. Habang lumalayo ang distansya ni Saoirse, doon lang napagtanto ng Ice King na ang tanging tagsibol na nagbibigay-buhay sa kanya ay dahan-dahan nang naglalaho.
Magagawa pa ba niyang habulin ang babaeng tinuruan niyang bumitaw? O huli na ang lahat para sa isang pusong ngayon pa lang natututong magmahal?