eunoianabae
Ito ay patungkol sa isang journalist na sumusulat upang isiwalat ang baho ng pamahalaan. Galit siya sa mga korup na pulitiko na nagpapahirap at umiipit sa mga mamayan paibaba. Kung kaya't nais niyang magkamit ng hustisya para rito at para na rin sa nadamay niyang kapatid. Nais niyang magkamit ng kaunlaran at kaayusan sa isang mapayapang bansa. Hangad niya ito sa pamamagitan ng pamamahayag.
Ganoon pa man ay tutol rito ang kaniyang mga magulang sa kadahilanang nais nila siya protektahan sa nakabaong kasanayang kanilang sinapit.
Sa hindi inaasahang pangyayari napadpad siya sa kasaysayan at nakilala ang kinikilalang heneral mula pa noong panahong nakikipaglaban ang kanilang bansa laban sa mga dayuhan.
Ang pangyayaring ito ang nagbigay sa kaniya ng mas malalim na koneksyon mula sa kaniyang paniniwala kasabay na rin ng pagkilala at pagbuo ng ugnayan mula sa heneral.