MisterDomino
Alam ko namang hindi ako kagandahan eh. Ako yung tipo ng babae na hindi mo makikila agad, yung hinding- hindi mo agad mapapansin. Yung tipo ng babae na hindi mo agad masasabing “tao” dahil sa katotohanang nerd at weird ako. Alam ko naman yun eh, tanggap ko yun ng buong- buo. Pero alam nyo ang mahirap? Yung hindi ka napapansin ng taong gusto mo dahil sa bulag siya sa kung anong meron sayo. Yung kahit sinasampal mo na ang sarili mo sa kanya, hindi niya napapansin dahil nakikipagsampalan siya sa kahit na sino. Ang hirap kasi kapag anino ka lang eh, wait, mali, kapag hangin ka lang eh, dahil kahit na ipagpilitan ng hangin ang sarili to occupy space, hinding hindi pa rin makikita mga ‘Te. Seriously.
Pero pano pag may nakita kang iba? Yung IBA na kayang palitan SIYA? Yung mas deserving para sayo, mas mahahawakan mo, mas masasabi mong “sayo” at hindi ka lang ginagawang anino?
So ano? Titigil ka na ba dahil pagod ka na’t nakahanap na ng iba, o lalaban pa pero masasaktan ka lang talaga?
I’m Anne. Nerd. Weird. Quirky. Please bear with me.