28amsv
Hindi lahat ng dumadating, dapat pinipigilan. At hindi lahat ng umaalis, kaya mong kalimutan.
Si Zaphne Alisah Aguilar, sanay sa tahimik na buhay sa Batanes-simple, kontrolado, at walang puwang para sa kahit anong komplikasyon. Hanggang sa dumating si Ashriel Villanueva-isang estrangherong may sirang motorsiklo, dalawang linggong pananatili, at ngiting parang kayang gawing okay ang lahat... kahit hindi naman.
Pero ang dalawang linggo, hindi laging nananatiling dalawang linggo. At ang mga taong dapat panandalian lang, minsan sila pa ang nagiging dahilan kung bakit gusto mong manatili.
Sa pagitan ng hangin, ulan, at mga bagay na hindi kayang ipaliwanag-may mga kwentong hindi mo planong simulan.
At may mga pagmamahal na kahit alam mong matatapos... pipiliin mo pa rin.
Dahil minsan, bago dumating ang ulan-
may bahaghari munang magpapaniwala sa'yo na sulit ang lahat.