ArishaBlissa
- Reads 160,642
- Votes 253
- Parts 1
Sapagkat may hinahanap siyang isang taong may malaking atraso sa kanya, pumasok si Dr. Pierre Kiorch Delvono bilang isang Psychologist sa HC Imperium Psychiatric Institution - ang kilalang psychiatric center ng HC Medical City na matatagpuan sa Baguio.
Doon niya nakilala si Niniana Velaroza, isang pasyenteng kinatatakutan at iniiwasan ng halos lahat ng doktor. Ayon sa mga ulat, may malubha itong behavioral problem - ngunit para kay Dr. Delvono, tila sinasadya lang ito ng babae.
Mula noon, naging palaisipan sa kanya kung tunay nga bang pasyente si Niniana...
O isa lang itong matalinong manlalaro sa isang mas malaking laro.
Ngunit sa bawat titig niya sa babae, pakiramdam niya'y unti-unti siyang hinihila nito sa bangin ng kabaliwan.
Hindi kaya siya mismo ang maging pasyente sa sandaling tuluyan siyang ma-obsess kay Niniana Velaroza?
Habang sinusubukan niyang unawain ang isip ni Niniana, unti-unti namang sinasakop ng babae ang kanya.
Hanggang sa hindi na niya alam kung siya pa ba ang gumagamot o siya na ang dapat gamutin?
Sapagkat sa dulo ng lahat, baka hindi na si Niniana ang baliw... kundi baka siya na.