aiseroe
Si Azi isang firstborn na sanay maging sandalan ng lahat-pero kahit ang matibay, napapagod din.
Sa mata ng pamilya, siya yung "kaya mo yan," "ikaw ang ate, dapat ikaw ang matatag," "ikaw ang aasahan." Kaya lumaki si Azi na marunong magpigil, marunong ngumiti kahit may bigat sa dibdib, at marunong tumahimik kahit gusto na niyang sumigaw.
Hindi siya mahilig magreklamo. Sanay siyang unahin ang iba bago ang sarili niya. Sanay siyang mag-adjust, magtiis, at magpakatatag kahit unti-unti na siyang nauubos sa loob. Sa araw-araw, dala niya ang responsibilidad na hindi naman niya hiningi-pero tinanggap niya kasi wala siyang choice.
Sa likod ng mga tahimik niyang gabi, may mga luha na walang nakakaalam. Yung mga gabing nakatitig lang siya sa kisame, iniisip kung kailan naman siya ang aalagaan. Kung kailan siya naman ang pahihintulutang mapagod.
Si Azi yung tipo ng taong laging "okay lang ako" kahit hindi na. Yung firstborn na laging strong sa paningin ng lahat-pero sa loob, tahimik na humihingi ng pahinga, ng yakap, at ng konting pag-unawa.
Kasi kahit gaano pa siya katatag, si Azi ay tao rin na napapagod... at minsan, ang pinakaingay niya ay yung mga tahimik niyang pagluha sa gitna ng gabi.