kakarot1989's Reading List
7 stories
Prophecy from lower realm ( Navarian ) book 2 by arajanetp1
arajanetp1
  • WpView
    Reads 10,978
  • WpVote
    Votes 1,068
  • WpPart
    Parts 25
Pagkatapos ng tradhedyang naranasan ng batang si Kaizen ay napuno ng galit at poot ang puso nito. wala itong ibang ninanais Kundi ang makapaghiganti sa mga taong naging dahilan ng kamatayan ng kanyang mga magulang. mas naging uhaw ito sa kapangyarihan, lahat gagawin nito upang higit na maging malakas para sa kanyang pagbabalik sa bansang golbath ay mailigtas Niya ang kanyang angkan at pagbayarin ang mga taong nagkasala sa kanya.,lahat ng pagsubok sa navarian ay kanyang susuungin makuha lang ang kanyang minimithing lakas at kapangyarihan. sinu-sinong nilalang kaya ang tutulong sa kanya,? magiging bukas pa kaya siya sa pakikipagkaibigan,? o tuluyan na siyang magpapasakop sa galit at poot na kanyang nararamdaman,, Muli atin ng subaybayan ang pakikipagsapalaran sa kontenenting navarian ng batang itinakda,,si Kaizen redvil.
Eyes of Divinity: The Cultivation Journey  by DarryLebutano9
DarryLebutano9
  • WpView
    Reads 1,838
  • WpVote
    Votes 144
  • WpPart
    Parts 160
Description: Sa mundong kung saan ang lakas ay batayan ng halaga, si Lin Mo ay itinuring na walang pag-asa. Isang dating baklang assassin na muling isinilang sa katawan ng isang magsasanay sa pinakamaliit na sanga ng Sekta ng Lunting Bundok, siya ay nanatiling nakakulong sa pinakamababang antas ng pagsasanay sa loob ng pitong mahahabang taon. Tinutukso bilang mahina, walang silbi, at isang langgam lamang sa paanan ng makapangyarihang mundo ng mga kultibador, tila nakatakda siyang manatiling anino habambuhay. Ngunit ang tadhana ay hindi laging nananatiling nakasulat. Sa isang hindi inaasahang aksidente sa isang ipinagbabawal na lugar, ang kanyang kaliwang mata ay nagsanib sa Mata ng Sinaunang Diyos-isang pamana ng kapangyarihan at karunungan na umiral bago pa man mabuo ang mga dakilang sekta at sinaunang angkan. Mula sa pagiging isda sa mababaw na sapa, siya ay magiging isang dragon na aahon sa malawak na karagatan. Mula sa pinakamababang antas ng Qi Refining, dahan-dahan niyang aakyatin ang bawat antas ng kapangyarihan-mula sa Foundation Establishment hanggang sa Core Formation, Nascent Soul, at higit pa-habang tinatahak ang mapanganib ngunit kaluwalhatiang landas patungo sa pagiging alamat. Sa mundong puno ng mga henyo, makapangyarihang pamilya, nakatagong panganib, at mga lihim na libong taon nang nakabaon, mapapatunayan ni Lin Mo na ang tunay na lakas ay hindi laging ipinanganak-minsan, ito ay natatagpuan. 🔹 Genre: Gay Reincarnation, Fantasy, Cultivation, Action, Adventure 🔹 Taglay: Malalim na emosyon, nakakagulat na pagliko ng pangyayari, detalyadong mundo ng pagsasanay, at matinding labanan Sumama sa paglalakbay ng isang dating mamamatay-tao na muling isinilang upang maging diyos.
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete) by arajanetp1
arajanetp1
  • WpView
    Reads 39,640
  • WpVote
    Votes 3,759
  • WpPart
    Parts 78
Si Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil sa Isang pangyayari mababago ang kanyang kapalaran. Makakamtan Niya ang lakas na higit pa sa kanyang inaakala. Sinu-sino kaya ang kanyang magiging kakampi, at sinu-sino kaya ang hahadlang sa kanyang pagkamit sa kanyang minimithi, magagawa kaya niyang malampasan ang pagsubok na kanyang kahaharapin. Subaybayan natin ang pakikipagsapalaran ni Kaizen , ang batang itinakda,,
[Zyron Arkeia]The Legend of Omnipotence [VOL 1]: The Land Beyond The Wall by greinder03
greinder03
  • WpView
    Reads 12,182
  • WpVote
    Votes 970
  • WpPart
    Parts 40
SYNOPSIS‼️ Isinilang si Zyron Arkeia sa isang magulong mundo, malayo sa mga karangyaan at ginhawa. Ang kanyang paglalakbay tungo sa tagumpay ay magsisimula sa isang matinik at mapanganib na daan. Sa murang edad na labindalawa, inanyayahan siya ng isang matandang miyembro ng Frozen Floes Clan na sumapi sa kanilang pagsasanay-isang paghahanda para sa kanyang pagiging adventurer. Ang pagsasanay ay hindi lamang pisikal, kundi pati na rin mental at espirituwal. Na kailangan niyang matutunan ang mga sinaunang kasanayan ng kanilang angkan upang mabuhay. Ngunit magiging sapat ba ang pagsasanay na ito upang maiahon siya mula sa kanyang pagiging hamak? O kaya naman, ang pagkakataong ito na dumating sa kanyang buhay ang siyang magiging susi sa kanyang pag-angat? Marami siyang haharaping pagsubok at mga kaaway sa kan'yang paglalakbay. Ang kanyang tapang at determinasyon ang magiging sandata niya na sa huli, ang kanyang kapalaran ay nasa kanyang mga kamay. Mula sa yelo at niyebe ng Frozen Floes Clan, magsisimula ang alamat ni Zyron Arkeia. ---- Isa kaba sa gustong tunghayan kung ano ang ibig-sabihin ng omnipotence? Kung ganon manatiling subaybayan ang storyang ito at.... Halika't tunghayan at abangan natin ang mga nakakasabik na kwento sa buhay ni Zyron Arkeia. 'Mr. Greinder present🖋️' MATINDING PAALALA!!!! ‼️ >> HAYAAN MUNA NAWA ANG MANUNULAT NA MATAPOS ANG KANYANG ESTORYA BAGO NITO SIMULAN AT GAWIN ANG PAG-AAYOS SA MGA LETRA AT SULAT NA WALA SA AYOS AT HINDI MAKABULUHAN!.<< ANG PANG-UNAWA MO AY LABIS NA NAKAKATULONG SA MANUNULAT. MARAMING SALAMAT SA IYONG PAG-INTINDI‼️‼️‼️ G R E I N D E R 0 3
Legend of Divine God [Vol 18: Defiance of Fate] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 905,181
  • WpVote
    Votes 105,032
  • WpPart
    Parts 200
Pagkatapos ng sukdulang pagsasakripisyo ng mga anghel para maisalba ang buong sanlibutan, mas lalong umigting ang kagustuhan ni Finn na wakasan na ang digmaan. Ayaw niya nang may mapapasakripisyo o may magsasakripisyo pa kaya handa na rin siyang ibigay ang lahat sa alyansa para lang maipanalo nila ang laban. Ganoon man, sasapat na ba ang lahat ng kaya niyang ibigay para magwakas na ang kaguluhan? O kukulangin pa rin siya dahil mas handa ang mga diyablo sa kanilang digmaan? -- Illustration by Rugüi Ên Date Started: June 1, 2025 (wattpad) © All Rights Reserved.
Si Frisco at ang Kaniyang Paraiso (Volume 3) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 148,125
  • WpVote
    Votes 19,679
  • WpPart
    Parts 77
Synopsis Sa mundong pinaghaharian ng mga maharlika, makapangyarihang organisasyon, at indibidwal na handang gamitin ang sinuman para sa sariling kapakinabangan, pinili ni Frisco na umiwas. Bagaman taglay niya ang potensyal, batid niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang makipagsabayan. Ayaw niyang magpaalipin, ayaw niyang magpagamit-kaya't pinili niyang pumasok sa Institusyon ng Nozque, isang kilalang paaralang naghuhubog sa mga may angking kakayahan. Ngunit ang kaniyang desisyon ay simula pa lamang ng mas malaking pakikibaka. Sa loob ng institusyon, makikilala niya ang mga taong magpapalawak sa kaniyang pananaw-kaibigan, kakompetensya, at mga lihim na konektado sa sikretong nais niyang matuklasan. Sa harap ng mga hamon, panlilinlang, at tukso ng kapangyarihan, kakayanin kaya ni Frisco na manatiling tapat sa kaniyang layunin? O sa huli, susukuan niya ba ang kalaayan para sa kapangyarihan? --
Supremacy (Part 1) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 210,670
  • WpVote
    Votes 27,392
  • WpPart
    Parts 78
Synopsis Mahigit isang daang taon na ang lumipas mula nang ilayo ni Finn ang kaniyang sarili sa makamundong mga bagay. Itinuon niya na ang halos lahat ng kaniyang atensyon sa paglikha at pag-eeksperimento para sa kaunlaran. Sa kabila ng kaniyang pagkawala, nanatili pa rin ang kaayusan sa buong sanlibutan dahil sa tulong ng New Order. Ganoon man, isang pangyayari ang muling naglagay sa kanilang mundo sa matinding peligro. Kailangan muli ng mga adventurer si Finn. Nangako siyang poprotektahan niya ang mundo mula sa pagkawasak, pero, kakayanin niya bang isalba ang sanlibutan sa ikalawang pagkakataon? O tuluyan na siyang magagapi ng mga bagong kalaban? -- NOTE: Upang hindi po kayo malito, irerekomenda ko po muna na basahin ninyo ang Legend of Divine God sapagkat ito ay ang sequel ng kuwentong iyon. Salamat!