PenOfGale_26
- LECTURAS 21
- Votos 3
- Partes 5
THE UNPUBLISHED LIFE
⠀
Sa mundo ng online fiction, si Gale-kilala bilang ang misteryosong si Nightingale-ang reyna ng mga salita. Ang bawat update niya ay hinihintay ng libu-libong readers, at ang bawat kabanata ay tinitingala bilang isang obra maestra ng emosyon at lalim.
⠀
Pero sa likod ng bawat viral na post ay isang madilim na sikreto: Ubos na si Gale.
⠀
Dahil sa matinding burnout, pressure ng deadlines, at pagkalam ng sikmura, natagpuan ni Gale ang isang madaling solusyon-ang AI. Isang click, isang prompt, at ang makina na ang nagsusulat ng kanyang mga kwento. Habang tumataas ang kanyang kasikatan, lalong lumalalim ang kanyang pagkabaon sa kasinungalingan.
⠀
Paano kung ang pinakamagandang kwentong naisulat mo ay hindi naman talaga galing sa iyo?
⠀
Isang paglalakbay sa realidad ng pagiging writer sa digital age-ang puyat, ang gutom, ang impostor syndrome, at ang nakakatakot na katotohanang baka mas mahal ng mundo ang gawa ng makina kaysa sa tunay na pintig ng puso ng isang tao.