pocketbooks
27 stories
Second Best - Angel Bautista by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 26,556
  • WpVote
    Votes 388
  • WpPart
    Parts 11
"Kailangan kong malaman kung alam mong ikaw lang ang gusto kong hawakan at halikan tuwing hinahawakan at hinahalikan kita." Buong buhay ni Jasmine, pakiramdam niya ay natatakpan siya ng anino ng kanyang panganay na kapatid. Her older sister Jessica was beautiful, intelligent, and perfect. Masyado niyang mahal ito para magselos siya rito. Kung magiging runner-up lang din siya, wala siyang angal kung sa ate niya siya runner-up. Maliban na lamang sa kaisa-isang bagay-sa pagmamahal ni Milton Esguerra, best friend nito at first and only love niya. After five years of being away, Milton came back for her sister. He was too late, though. Ikakasal na kasi ang ate niya. Siya ang napagbalingan ni Milton. Papayag ba siyang maging panakip-butas?
My Lovely Bride ( Lady & Renzo) - Cora Clemente by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 15,239
  • WpVote
    Votes 243
  • WpPart
    Parts 12
Dalawang linggo bago ang en grandeng kasal ni Lady sa milyonaryong si Joven Monteblanco ay dinukot siya ni Renzo Castro. "May kailangan ako sa boyfriend mo. Kapag hindi niya ibinigay sa akin ang pamangkin ko, ikaw ang magiging kapalit." Bagaman nasa panganib ay hindi maiwasan ni Lady na hangaan ang mga pisikal na katangian ng kidnapper niya. Higit itong magandang lalaki at simpatiko kaysa kay Joven. At mahigpit ang hinihiling ni Renzo kay Joven. At sa tingin ni Lady ay hindi nagbibiro ang binata, kapag hindi ibinigay ni Joven ang pamangkin nito, siya ang magiging kapalit. Pero bakit wala siyang madamang nanganganib siya sa kamay ng kidnapper niya?
Prima Donna - Elizabeth Mcbride by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 5,590
  • WpVote
    Votes 120
  • WpPart
    Parts 11
"I gave you that figurine to remind you na kahit hindi ko kayang pantayan ang katayuan mo sa buhay, you could still be my prima donna..." My prima donna. Iyon ang nakaukit sa figurine na regalo sa kanya ni Hans noong eighteenth birthday niya. And Donna hated it so much. Iisang bagay lamang ang maaari niyang ipakahulugan doon: that she was a conceited, spoiled little rich brat. Kaya kahit nae-excite ang kanyang puso tuwing makikita niya ang binata, hindi niya iyon ipinahahalata. "I am Donna Mae Arafia and you're just Hans Alfonso. And you are nothing!" Three years later, nasa harap niyang muli si Hans- telling her what prima donna was for him. And she couldn't believe it. All along, he was calling her "my first lady!"
Too Late To Say Sorry - Rita Loverly by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 4,433
  • WpVote
    Votes 71
  • WpPart
    Parts 8
"Nababaliw na yata ako. Bakit ba ako umibig sa iyo?" At fifteen, mapusok si Meryl. Siya pa mismo ang . halos manligaw na noon kay Danny, ang lalaking katuparan ng kanyang "ideal man." Nagkawalay sila ni Danny sa mga panahong nagpapatuloy ang kanyang pagdadalaga. At sa pagbabalik nito ay hindi na siya ang dating dalagitang halos ipagduldulan ang sarili sa binata. Ganap na dalaga na siya. Isang maganda at kaakit-akit na babae. Ngayon ay naiilang na siya kay Danny. Nako-conscious na sa mga ngiti at titig nito. At hindi na niya kayang gawin ang mga kapangahasang dati niyang ginagawa sa lalaki. Kung kailan siya ang liligawan ni Danny, saka naman...
Ikaw Ang Kapalaran Ko - Jennie Roxas by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 6,580
  • WpVote
    Votes 109
  • WpPart
    Parts 12
Pinagtatawanan lang ni Fortune ang kanyang ina sa tuwing binabanggit nito ang tungkol sa "hula." Siya raw at ang lalaking anak ng matalik nitong kaibigan ang siyang itinakdang magsama habambuhay. Ngunit nawala ang tawang iyon sa kanyang mga labi nang ma-meet niya ang kanyang guwapung-guwapong " kapalaran." Bigla ay nag-iba ang ihip ng hangin. Gayundin ang tibok ng kanyang puso. Ang kanya na lamang inaasam ngayon ay ang magkaroon ng katuparan ang hula sa kanila ni Vernon. Kaya naghintay siya nang matagal makuha lang ang pag-ibig nito. Ngunit mauudlot pa yata ang hula dahil ang binata ay hindi rin naniniw ala roon. Sa katunayan, may ipinakilala ito sa kanyang babae na nakatakda nitong pakasalan! Mukhang ang hula sa kanila ay mananatiling hula na lamang. At nasasaktan siya nang labis sa isiping hindi iyon magkakaroon ng katuparan. Lalo na't habang tumatagal ay patindi nang patind ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa binata...
Possession - Digna De Dios by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 10,481
  • WpVote
    Votes 176
  • WpPart
    Parts 10
Sa pagyao ng kanyang ina ay lumitaw ang isang malaking katanungan para kay Ynna: Sino ang tunay na nagsilang sa kanya-ang nakagisnan niyang inang si Maria Ana o ang kapatid nitong si Ana Maria? Batid niyang abot-kamay lamang niya ang kasagutan kung hindi lamang nakabalandra sa pagitan Si Neo Villamor, ang stepson ng kanyang Tiya Ana Maria. Mabangis ngunit simpatiko, ang binata ay tila isang masikip na lagusan na dapat niyang tahakin bago niya marating ang hinahangad niyang katotohanan. Ilang halik ba ang dapat niyang ipaubaya rito bago niya malaman kung sino ang tunay niyang ina?
Say That You Love Me - Sharmaine Galvez by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 14,139
  • WpVote
    Votes 221
  • WpPart
    Parts 11
Mga bata pa lang sila ay minahal na ni Sunday si John. At alam iyon ng binata dahil very vocal naman siya sa damdamin niya para dito. Ngunit kahit ano pa ang gawin niya ay hindi siya nito makuhang mahalin. Wala itong ibang bukambibig kundi si Alyanna. Nasa babae raw kasi ang katangiang hinahanap nito sa isang babae. Ang kasimplehan. To spite John, pumasok siya bilang isang modelo. Kung si Alyanna ay simple, puwes siya naman ay magiging glamorosa! When she finally decided to go to the States to forget him, bigla naman itong nag-propose sa kanya ng kasal. At ginawa nito yon sa harap ng audience sa isang fashion show niya! She was touched by what he did. Imagine, he professed his love for her in front of so many people! Ngunit ang problema y hindi siya naniniwala rito. Lalo na at naaalala niya ang ginawang pagtanggi nito noon sa kanya.
Umaasa Sa Iyong Pag-ibig - Jennie Roxas by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 14,516
  • WpVote
    Votes 202
  • WpPart
    Parts 12
Bata pa lang si Lai ay mahal na niya si Jason. Nagkaroon siya ng ilusyon na mahal din siya nito, at hinihintay lang nitong magdalaga siya dahil sa agwat ng kanilang edad. Ngunit nang mag-sixteen siya ay nagsimulang mangyari ang kinakatakot niya nagkaroonng ibang kasintahan si Jason at nagbabalak na itong magpakasal. Napuno ng pangamba ang bata niyang puso. Mahal niya si Jason at hindi niya matanggap na basta-basta na lamang ito mawawala sa kanya. Out of desperation, isang mapusok na balak ang nabuo sa kanyang murang isipan. Na sa pamamagitan niyon, maaaring maging kanya si Jason... Pero maaari ring kamuhian siya nito sa habampanahon...
Hating, Loving Each Other - Jasmine Esperanza by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 30,452
  • WpVote
    Votes 401
  • WpPart
    Parts 11
"Sabihin mo nga sa akin, ano ang gusto mong kapalit para hiwalayan mo ang kapatid ko?" Sa pakiramdam ni Lirio ay pabulong lamang iyon na nagmula sa ibabaw ng kanyang ulo. "Wala kang dapat na hinging kapalit," sabi niya sa pilit na pinatatatag na tinig. "Hindi mo kami kayang paghiwalayin ni Gabriel." "Kaya?" tila nakakalokong sagot ni Angelo. Bigla ang ginawa niyang paglingon. At sa ginawa niyang iyon ay halos mag-abot ang kanilang mga mukha. Dumaplis sa mukha niya ang mainit-init na hininga ng binata. "You are not the right woman for my brother," kaswal na sabi ni Angelo. Umismid siya, saka humakbang para iwan ito. "At saan ka naman kumuha ng karapatan para sabihin iyan?" Bahagyang ikinibit nito ang balikat. "Dito." In one swift move, natagpuan niya ang sariling nakakulong sa mga bisig nito. Ang mga labi nito ay umangkin sa mga labi niya. At sa pagkakataong iyon ay mas determinado itong hindi na siya makaaalpas pa.
Ram Rivera, My Hero - Bianca Zarragosa by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 19,398
  • WpVote
    Votes 241
  • WpPart
    Parts 10
Nang itakda ang kasal ni Rambelio, ang lalaking pangarap ng kanyang puso, ay isang hakbang ang ginawa ni Rodalyn upang hindi iyon matuloy. Alam niyang maaari niya iyong pagsisihan. At hindi nga siya nagkamali, halos kasuklaman siya nito. At dahil sa kahihiyan at sakit na kanyang nakamtan ay nagpakalayu-layo siya. Naging malamig at malungkot ang apat na taong lumipas. Nang muli silang magkita ay pinilit niyang umiwas. Nagkaroon siya ng pangambang ang dahilan ng pagbabalik nito ay upang pagbayarin siya sa nagawa niya nito. Subalit taliwas sa kanyang inaasahan ang tunay na pakay nito. Kung alam lamang niyang ang puso niya ang ibig nitong hinging kabayaran ay hindi na niya kinailangan pang umiwas. Siya na mismo ang maglalapit ng kanyang sarili rito.