b1ack_void
Dating "free-spirited girl" na walang pakialam sa mundo, nagbago ang buhay ni Samara Jelian De-Victores nang malugi ang negosyo ng kanilang pamilya. Ngayon, determinasyon na lang ang baon niya para matulungan ang mga magulang na nagtatrabaho sa probinsya. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagtalon sa bakod ng Saint Jude Academy, makakaharap niya ang mga matang magpapagulo sa kanyang tahimik na buhay.
***
Kapos sa pera at nakatutok lang sa pag-aaral, tanging pagtatapos nang maaga ang prayoridad ni Jelian. Pero ang kanyang "perfect plan" ay tila may butas nang makilala niya si Chris Loven Villaderama-ang matalinong "crush ng bayan" na nahanap ang kanyang bagong paboritong view sa ilalim ng dapit-hapon.
Kailangan niyang mamili: ang manatili sa kanyang mga plano, o ang pagpayag na mabulabog ang kanyang puso sa taong hindi niya inaasahang makikilala? Magagawa kaya niyang iwasan ang atraksyon, o tuluyan na siyang mahuhulog sa mga matang tila nangangako ng higit pa sa pangarap na kanyang binuo?
***
DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Expect some grammatical errors and typos along the way. I'm still learning, so bear with me!