Musesilfira
Nagsimula ang lahat sa simpleng tukso.
Magka-klase lang sila-walang espesyal, walang kahit anong koneksyon noon. Pero dahil sa walang sawang pang-aasar ng mga kaklase, bigla silang naging sentro ng biro: "Bagay kayo." "Kayo na kasi." Hanggang sa napilitan silang mag-usap, magkasama sa groupings, at mas mapalapit sa isa't isa.
Sa una, nakikisabay lang sila sa biro. Ngiti dito, sagot doon-walang ibig sabihin.
Pero habang tumatagal, nagiging totoo ang mga sandaling dati'y pilit lang.
Naging natural ang usapan. Naging komportable ang presensya. Mula sa simpleng "uy" hanggang sa mga umagang lagi silang mag katabi. Hanggang sa hindi na nila namalayang hindi na lang ito dahil sa tukso-may nararamdaman na.
Para sa kanya, unti-unti itong naging totoo.
Akala niya, baka... baka may patutunguhan. Baka ang kwentong sinimulan ng iba ay pwede nilang tapusin.
Pero hindi lahat ng nabuo ay meant to last.
Dahil sa likod ng lahat ng iyon, may mga bagay na hindi kayang suungin-mga takot, mga priorities, at mga pagkakataong hindi nagtugma. Hanggang sa unti-unting nagbago ang lahat. Nawala ang dating madalas na usapan. Naging alaala na lang ang mga sandaling dati'y araw-araw.
At sa huli, naiwan siyang nag-iisa sa kwentong akala niya'y para sa kanilang dalawa.
Dahil may mga pag-ibig talagang nagsisimula sa biro...
pero nagtatapos sa katahimikan.
At ang mas masakit-pareho nilang naramdaman, pero wala ni isa ang lumaban.