Miss_Aeyu
- Reads 2,461
- Votes 52
- Parts 3
INTERSEX | LOVE TRIANGLE.
Isa siyang matapang na sundalo na ang puso'y nakaukit sa serbisyo para sa Pilipinas. Sa labas ng uniporme, isa siyang mabait na anak, mapagkalingang kapatid, at isang kasintahan na masayang nagpaplano ng kinabukasan kasama ang minamahal. Ngunit ang tahimik na buhay na iyon ay guguho sa gitna ng isang madugong digmaan. Halos mamatay ito, at nasaklolohan lamang ng mga sibilyan na kanilang iniligtas. Pagdilat ng kanyang mga mata, isang bagong mundo ang sumalubong sa kaniya-wala nang alaala. Ang lahat ng pinakaiingatan niya, ang kaniyang pagkatao, ay naglaho. Sa gitna ng kawalan, may isang babaeng lilitaw at magbibigay sa kaniya ng panibagong dahilan para mabuhay, isang dahilan para bumuo ng mga bagong alaala. Ngunit paano kung ang kapalaran ay may mas malalim na plano?