Roxx-Ink
REINCARNATION NIGHTMARE
Batang madalas bangungotin sa gabi at paggising ay hindi mawari kung panaginip ba o alaala. Batang lumaki na walang larawan ng ama. Batang hindi alam kung sino ang kanyang mga Ama.
WHO REALLY AM I?
THE QUESTION THAT'S ALWAYS SINKING IN MY MIND.
DO I REALLY KNOW MYSELF?
Ako ang batang yun.
Isang batang wala pang muwang sa mundo... pero ginugulo na ng bangungot mula sa kabilang mundo.
Gabi-gabi, napapanaginipan ko ang isang lalaking humahalik sa noo ng isang babaeng umiiyak.
Narinig ko ang pangakong: "Papalakihin natin 'yang dalawa."Pero paggising ko, Kami lang ni mama.
Walang picture ni Papa sa bahay.
Ang meron lang ay mga tanong na hindi masagot ni Mama. At mga panaginip na hindi ko mawari kung totoong nangyari o isa lang panaginip na hindi naman totoo.
Ito ba'y magiging sanhi ng aking pagkamatay?
O ito ang magiging sanhi ng aking pagkabigo sa buhay?
Habang lumalalim ang bangungot, lumalalim din ang katotohanan. Na ang buhay ko ngayon ay maaaring reincarnation ng isang pangakong binitiwan. Na ang pag-ibig ay minsan, kailangan mong isakripisyo ang sarili mo.
Do you sacrifice your life for love?
Are you willing to give everything just to protect someone you love?
Is it worth it to risk everything just to follow your heart?
Sa mundong ito, hindi lahat ng multo ay patay.
Ang iba... bumabalik sa anyo ng alaala.
At ang iba... bumabalik sa anyong tao ngunit hindi mo sila maalala.
REINCARNATION NIGHTMARE
Isang kwento ng pag-ibig, pag-abandona, at ng isang kaluluwang pilit binubuhay ng nakaraan.
Handa ka na bang harapin ang bangungot?