lotticemaria
**Synopsis ng *Destined***
Akala ni Lyra Chelsea Narvaez normal lang siyang babae. Pero nang tumira siya sa misteryosong Campos Mansion, nagsimulang magbago ang lahat.
Mga panaginip na parang totoong alaala. Mga boses na hindi niya maintindihan. At isang lalaking malamig at mailap na tila may tinatagong lihim-si Cedric Campos.
Habang mas napapalapit sila sa isa't isa, unti-unting nabubunyag ang katotohanan tungkol sa kanila. Hindi lang sila ordinaryong tao. May koneksyon sila sa isang sinaunang mundo ng liwanag, dilim, mahika, at sumpa.
Si Lyra ay may kaugnayan kay Nhiyela, ang Prinsesa ng Liwanag.
At si Cedric naman ay konektado kay Elvarone, ang Prinsipe ng Kadiliman.
Mga kaluluwang ilang beses nang nabuhay, namatay, at muling nagtagpo sa iba't ibang panahon.
Pero hindi lang pag-ibig ang naghihintay sa kanila. Kasabay ng pagbabalik ng kanilang mga alaala ay ang pagbabalik din ng mga kaaway na gustong sirain sila... at ng katotohanang maaaring magwasak sa lahat ng meron sila ngayon.
Sa gitna ng misteryo, reincarnation, at digmaan ng liwanag at dilim-pipiliin pa rin ba nila ang isa't isa?
O mauulit lang ulit ang trahedyang matagal nang isinulat ng tadhana?
*Some souls are destined to meet again... kahit ilang buhay pa ang lumipas.*