sinnerheart's Reading List
6 stories
I HOOKED UP WITH MY FUTURE HUSBAND by AninoNgTinta_
AninoNgTinta_
  • WpView
    Reads 70
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 7
SEX ONLY! NO STRINGS ATTACHED. NO FEELINGS. ​Iyan ang kasunduang binuo namin sa isang gabi ng kalasingan at pagkakamali. Ako si Thea, ang babaeng sunod-sunuran sa kagustuhan ng kanyang ama, at si Jax, ang lalaking joker na walang sineseryoso. Mula sa pagiging dormmates na magkaiba ang mundo, nauwi kami sa isang hook-up buddies setup na puno ng init at damdaming pilit naming tinataguan. ​Pero ang US ay hindi nagtagal. Sa pagitan ng pressure ng pag-aaral, pamilya, at isang biglaang trahedya, naputol ang lahat. Walang paalam. Walang balikan. ​Lumipas ang ilang taon. Pagod na ako sa pagiging sunud-sunuran, ngunit heto na naman ang tadhana-ipapakasal ako ng aking ama sa anak ng kanilang business partner para isalba ang aming kumpanya. Akala ko ay isa lamang itong malamig na transaksyon. ​Gumuho ang mundo ko nang makita ko ang lalaking nakatayo sa altar. Si Jaxen Montecillo. Ang lalaking nakasama ko sa kama noong kolehiyo, ang lalaking nakadala ng sakit at saya sa puso ko, at ang lalaking kailangan ko na ngayong pakasalan. ​Ang negosyo ay malinaw: Magpakasal para sa kumpanya. Pero sa pagbabalik ng lahat ng alaala at ng wild hot chemistry namin, kaya ko pa bang panindigan ang kasunduan? ​Deal or No Deal?
MGA BANGKANG PAPEL by AninoNgTinta_
AninoNgTinta_
  • WpView
    Reads 22
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 4
Sa bawat pag-ulan, muling nabubuo ang mga aninong pilit nating nilulunod sa limot. Ang 'Mga Bangkang Papel' ay hindi laro ng bata-ito ay isang ritwal ng pagtakas. Ngunit paano kung ang papel na iyong tinitupi ay ang sarili mo palang katinuan? Habang numinipis ang pahina at nababasa ng ulan, unti-unting lumilitaw ang mukha ng katotohanang mas nakakatakot pa sa dilim. Huwag kang kukurap; baka sa susunod na pag-alon, ikaw na ang nakasakay sa bangkang patungo sa kawalan.
STAINED by AninoNgTinta_
AninoNgTinta_
  • WpView
    Reads 86
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 13
​Iisang bahay. Tatlong henerasyon. Isang walang katapusang sumpa. ​Sa bawat sulok ng lumang mansyon, may mantsa ng dugo na hindi kailanman nabubura. Mula sa madugong pagtutuos nina Leandro, Minerva, at Corazon. Hanggang sa makapigil-hiningang pagtataksil nina Juliana, Joaquin at Lucila- tila nakatadhana ang bawat nakatira rito na ulitin ang mga kasalanan ng nakaraan. ​Ngayon, sa pagpasok ng bagong henerasyon, muling umaaligid ang lagim. Kapag ang pag-ibig ay nauwi sa pagkahumaling, at ang katapatan ay nauwi sa pagtataksil, may matitira pa bang buhay? Sino ang susunod na mababahiran ng sumpa? ​Iisang sumpa. Iisang parusa. KAMATAYAN!
ANG HULING CAMPING by AninoNgTinta_
AninoNgTinta_
  • WpView
    Reads 252
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 26
​"Mga Gurok ang tawag sa kanila. Mga baliw na sumasamba sa dilim. Naniniwala silang ang pagkitil sa buhay ninyo ay paraan ng pagliligtas sa mundo... ​Walong magkakaibigan. Isang masukal na bundok. At isang kultong naghahanap ng mga alay. ​Sa pagitan ng pagtakbo sa maputik na gubat at pagka-gising sa ibabaw ng duguang batong altar, masusubok kung hanggang saan ang tibay ng samahan kapag kamatayan na ang nakatitig sa mukha mo. Nang iwanan ni Miggy ang naghihingalong kasama, napatunayan niyang mas nakakatakot ang dilim sa puso ng tao kaysa sa mga halimaw ng Mt. Tulaog. ​Makakalabas pa kaya silang buhay? o 𝙄𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜... 𝙃𝙐𝙇𝙄𝙉𝙂 𝘾𝘼𝙈𝙋𝙄𝙉𝙂? 💀 ------ ​⚠️ WARNING: This story contains graphic violence, sexual, gore, psychological horror, and mature themes. Read at your own risk.
AMARI: ANG BABAENG NILIMOT NG PANAHON by AninoNgTinta_
AninoNgTinta_
  • WpView
    Reads 143
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 32
Ako si Amari. Sabi nila, ang pangalan ko raw ay ibig sabihin: walang hanggan." Pero hindi nila alam... ang walang hanggan, hindi laging biyaya. Minsan, isa itong parusa na hindi nauubos- hindi natatapos- hindi ka pinapatay... pero hindi ka rin hinahayaan mabuhay nang buo. Nakita kong bumagsak ang mga lungsod na hindi na matandaan ang pangalan. Nakita kong nagbago ang mundo nang paulit-ulit, habang ako nananatiling pareho. Hindi ako tumatanda. Hindi ako nawawala. Pero lahat ng minamahal ko nawawala. isang ritwal na hindi dapat nangyari. Isang sumpa na isinilang mula sa galit, takot, at pusong tinanggihang mahalin. "Ang batang isisilang ay mabubuhay nang walang hanggan. Ngunit bawat pusong kanyang mamahalin, ay itatakda sa unti-unting pagguho." Kaya natuto akong magpalit ng pangalan. Magpalit ng mukha. Magpalit ng buong buhay-kahit alam kong wala namang takas. Hanggang sa dumating si Liam. Hindi siya una. Hindi siya espesyal. Pero sa unang pagkakataon sa loob ng napakahabang panahon... may isang bagay sa kanya na parang pamilyar. Parang kapahamakan na alam na alam ng kaluluwa ko. Sa bawat tawa niya, unti-unting bumabalik ang isang bagay na matagal ko nang inilibing- pag-asa. At kasabay noon ang takot. Dahil ang dugong dumadaloy sa ugat niya... ay dugong nagsimula ng lahat ng ito. Ngayon, alam ko na ang katotohanan ay hindi lang magwawasak sa kanya. Ito ang magtatapos sa akin. O sa wakas... magpapalaya.
THE CURSE OF LIAM VANCE: Tuloy pa rin ang Sumpa by AninoNgTinta_
AninoNgTinta_
  • WpView
    Reads 32
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 4
THE CURSE OF LIAM VANCE (Book 2 of Amari: Ang Babaeng Nilimot ng Panahon) - - ​Ang sumpang pumatay kay Amari ay hindi pa tapos maningil. Ngayon, ang anak naman niyang si Liam ang magbabayad ng utang ng dugo. ​Labindalawang taon nang nakaposas at nagtatago sa dilim ang bagong halimaw ng Mansyong Vance matapos nitong wasakin ang sariling pamilya. Ang pinakamamahal niyang asawa na si Cornelia at ang kanilang anak sa sinapupunan nito. Sa pagpasok ni Stella bilang n sa mansyon, isang patakaran lang ang bawal niyang labagin: Huwag titingin sa ikatlong palapag kapag sumigaw ang gabi. ​Welcome back to Mansyong Vance. The curse continues. ​💀⛓️‍💥