_inkedbykeena
--
Si Zara Elisse "Eli" Alvarez ay isang maingay, makulit, at sobrang energetic na estudyante na walang planong gawing komplikado ang buhay niya.
Pero nagbago ang lahat nang makatanggap siya ng isang kakaibang mensahe eksaktong 12:01 AM.
"Don't fall for Sebastian Rutherford."
Isang pangalan na hindi niya kilala... hanggang sa makilala niya si Sebastian Cole "Ian" Rutherford-ang tahimik, malamig, at misteryosong estudyante na halos walang gustong lumapit.
Kilala siya sa school bilang:
Mr. Rutherford.
Walang gumagamit ng palayaw para sa kanya.
Walang masyadong nakakakilala sa totoong siya.
At mas lalong walang nakakapasok sa mundo niya.
Hanggang sa dumating si Eli.
Sa una, akala niya simpleng coincidence lang ang lahat.
Pero habang lumalalim ang koneksyon nila, mas dumarami rin ang mga mensaheng dumarating sa dilim-mga babala, mga pahiwatig, at mga sikreto na tila may alam tungkol sa kanilang dalawa.
At sa bawat gabing sasapit ang 12:01 AM...
mas lumalapit sila sa katotohanang baka hindi aksidente ang lahat ng ito.