velvet_rehd
Sabi nila, ang buhay ay parang geometry. May mga lines na parallel-magkasabay pero hinding-hindi magtatagpo. At may mga lines na perpendicular-magtatagpo sa isang punto, pero pagkatapos nun, ay maglalayo na rin habambuhay.
Ako si Chloe, at ang buhay ko ay isang tuwid na linya. Walang liko, walang dumi, at laging nakaplano. Si Jaxen naman ay isang linyang magulo-puno ng zigzag, putol-putol, at laging nasa gilid ng bangin.
Wala dapat kaming kinalaman sa isa't isa. Ang isang Prensesa ay hindi dapat nakikita sa mga madidilim na eskinita, at ang isang Street Fighter ay hindi dapat nangangarap na makapasok sa mundo ng mga taong amoy-pera at kapangyarihan.
But destiny has a weird sense of humor. Minsan, kailangang magkaroon ng malakas na banggaan para magbago ang direksyon ng lahat. This is not just a love story. This is a story of how two people from opposite ends of the world fought the wind, the rain, and even their own families, just to prove that even the wildest storm can be tamed by the right kind of love.