marseeelia
Mayroong lugar na tago at lihim mula sa mga banyaga at sa mga uri ng likhang tumanggap sa kanila. Sa Banua ay nanahan 'di lamang ang mga minamahal na mga mamamayan ng mga Diyos, ngunit pati narin ang mga nilalang na hindi kanais-nais ang wangis. Ngunit sa haba ng panahong lumipas, ang mga taga-Banua ay nagsilaban at tumindig laban sa isa't isa. At sa pagbalik ng isang munting Lakan na namuhay sa labas ng Banua, ang gulong ito ay hinulaan nang lalo pang magpapatindi na ikasisira pa ng lupain ng mga Diyos.
Ngunit hindi mawari ni Isaes mung bakit sa tingin nila ay siya ang nagdala ng kaguluhan sa Banua.