roshiennawp
Our Different World
Sa mundong ginagalawan, hindi lahat ng tao ay magkakapareho ang mga pinanggagalingan. Merong mahirap at merong mayaman, pero paano kung ang mundo niyo ay magkaiba? Makakaya mo bang ipaglaban ang pag-ibig na meron kayo? Kahit na ang kapalit nito ay ang masakit na katotohanan?
Yzelina Shen C. Sanchez, simpleng babae lamang pero punong-puno ng pangarap sa buhay kahit na gusto ng sumuko. Pero simula nang dumating sa buhay niya si Kyler John H. Villanueva, tinuruan siya nitong maging matatag sa buhay, si Kyler ang nagsilbing comfort zone ni Zelina, kahit sa tuwing pakiramdam ni Zelina na lubog na lubog na siya, nandyan si Kyler para sa kaniya.
At hanggang tumatagal, hindi niya maiwasang mahulog sa lalaki. Gusto man niyang sabihin ngunit mas pinili na lang niyang itikum ang sinasabi ng kaniyang puso. Para kasi sa kaniya, magkaiba ang mundo nila at pakiramdam niya hindi sila nararapat sa isa't isa. Pero sabi nga nila, kung mahal mo ipaglalaban mo kahit na ang kapalit ay ang pagbangga sa mga mahal nito sa buhay na tutol sa inyong pagmamahalan.
Ngunit saan kaya hahantong ang pagmamahalan nila? Makakaya kaya nilang ipaglaban ang pag-ibig nila sa gitna ng kanilang magkaibang mundo? O kaya naman ay tuluyan na lang nilang bibitawan ang isa't isa?