NARCHUGNAY's Reading List
1 história
When the Flowers Bloom Again  de NARCHUGNAY
NARCHUGNAY
  • WpView
    Leituras 276
  • WpVote
    Votos 53
  • WpPart
    Capítulos 32
Limang taon matapos niyang iwan ang lalaking pinakamamahal niya, muling babalik si Saaiyah Villareal sa probinsyang minsang naging tahanan ng puso niya. Noong dalawampung taong gulang siya, tinakbuhan niya ang marangyang buhay sa Maynila para sumama kay Noah Sarmiento-isang simpleng lalaking taga-probinsya na nagturo sa kaniya kung paano mabuhay nang payapa sa mundong hindi kontrolado ng pera at pangalan. Pero hindi lahat ng pagmamahal kayang labanan ang kapangyarihan. Sa takot na sirain ng kaniyang ama ang buhay ni Noah, napilitan si Saaiyah na saktan at iwan ang lalaking minahal niya kapalit ng kinabukasan nito. Akala niya, iyon na ang huling beses na makikita niya si Noah. Ngunit makalipas ang limang taon, isang sikat na eco-tourism destination sa probinsya ang magiging susi para muli silang pagtagpuin. Habang pilit sinusubukang iligtas ni Saaiyah ang bumabagsak na kumpanya ng kanilang pamilya, hindi niya alam na ang misteryosong may-ari ng lupang kailangan nila... ay ang lalaking iniwan niya noon. At ngayong si Noah na ang may hawak ng kapalaran ng pamilya niya, isang kondisyon ang babago sa lahat- isang engagement na hindi nila parehong alam kung para sa negosyo lang ba... o para sa pagmamahalang hindi kailanman nawala.