Stand Alone
1 story
Until night Overcomes  by MsUglygirl
MsUglygirl
  • WpView
    Reads 203
  • WpVote
    Votes 32
  • WpPart
    Parts 6
Ang hirap maging masaya sa mundong puno ng problema. Hindi pala lahat ng tao ay walang problemang dala, sobrang hirap labanan pero kailangan lumaban para sa sarili at para sa minamahal na ngayon umaasa na maayos lahat lahat. Ang hirap mabuhay ng masaya dahil may kapalit palang lungkot sa dulo, maraming pekeng tao sa paligid, maraming dadating na problema, maraming luha ang nawala sa mga matang puno ng saya sa harapan ng maraming tao, isa-sampal nila sayo ang ibang kasalanan ng ibang tao para mag mukha kang kawawa sa harapan ng marami. Sobrang daming iniisip kada gabi sa madilim na kwarto habang tahimik na umiiyak, sobrang wasak na wasak ang mabait kung puso na sinira ng ibang tao, mabilis ako sumuko pero hindi ko ginawa dahil ako ang huling kard ng pamilya ko. Ang daming problemang dumadating sa isang buhay ng tao, ang hirap maging mag-isa, ang hirap tuparin ng mga pangakong naiwan at mga pangarap na hanggang ngayon hanggang tingin nalang dahil tinutupad na ng iba. Sa pag kakataon kapag naging masaya ka, may lungkot na kapalit, may sakit at luha na kapalit, hindi lahat masaya sa mundo ang iba tinatago nila sa likod ng masayang maskara. Pero isang tao lang nakakaintindi sa akin mula noon, hanggang ngayon at magpa-kailanman. Siya ang tanging liwanag ko sa madilim na nakaraan. Siya lang ang tanging ginhawa ko mula noon at hanggang ngayon. Dumating man ang oras na kailangan umalis ng isa sa amin. Kailangan parin tanggapin dahil hawak ng tadhana ang buhay namin.